True Christmas
True Christmas
8 Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga tupa nang gabing
iyon. 9 At tumayo sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa kapaligiran
nila ang kaluwalhatian ng Panginoon. Ganoon na lamang ang kanilang pagkatakot. 10 Ngunit
sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para
sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. 11 Isinilang sa inyo ngayon sa
bayan ni David ang Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. 12 Ito ang inyong palatandaan:
matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”
13 Biglang lumitaw kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan.
Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit,
15 Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap, “Tayo
na sa Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito na ibinalita sa atin ng Panginoon.” 16
Nagmamadali silang pumunta roon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at naroon ang sanggol
na nakahiga sa sabsaban. 17 Nang makita ng mga pastol ang sanggol, isinalaysay nila ang sinabi
ng anghel tungkol dito. 18 Namangha ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. 19
Tinandaan ni Maria ang mga bagay na ito, at ito'y kanyang pinagbulay-bulayan.
20 Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil
sa lahat ng narinig nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel.
Sabsaban sa Bahay
Ang mayayaman lamang ang may kuwadra na hiwalay sa kanilang bahay. Ang mga
karaniwang tao ay may bahay kung saan ang mga hayop ay pinananatili sa isang dulo ng
kwarto ng pamilya, ilang hakbang sa ibaba.
Ang mga hayop sa bahay ay pinananatiling ligtas mula sa pagnanakaw at binibigyan ng
init ng katawan.
Maaaring hukayin ang sabsaban sa sahig ng silid ng pamilya o maaaring gawa sa kahoy at
ilipat.
Pagpasok sa bahay ay nakita nila ang bata kasama si Maria na kanyang ina. (Mateo 2:11)
Dumating ang banal na pamilya sa Bethlehem, kung saan sila ay tinanggap sa isang pribadong
tahanan. Ang ipinanganak na bata, ay binalot at (literal) na “inilagay sa kama” (anaklino) sa sala
sa sabsaban na itinayo sa sahig o gawa sa kahoy at inilipat sa sala ng pamilya. Okupado na ang
guest room ng ibang bisita. Mabait ang kumupkop na pamilya at tinanggap sina Maria at Jose sa
silid ng pamilya ng kanilang bahay. (Dr. Kenneth Bailey)
6 Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. 7 Naparito siya upang magpatotoo
tungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya sa pamamagitan niya. 8 Hindi siya ang
ilaw subalit naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. 9 Ito ang tunay na ilaw: dumarating
ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao.
10 Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa
pamamagitan niya. 11 Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili
niyang kababayan. 12 Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan
niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. 13 Sila ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil
sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao, kundi ayon sa
kalooban ng Diyos.
14 Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay
na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng
katotohanan.
15 Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya, na isinisigaw, “Siya ang tinutukoy ko nang aking
sabihin, ‘Ang dumarating na kasunod ko'y higit kaysa sa akin, sapagkat siya ay naroon na bago
pa man ako ipanganak.’”
Naipapakita sa laman
Ipinadala ng Diyos ang kanyang Anak para gawin tayong mga anak niya
Diyos na Nagkatawang-tao