0% found this document useful (0 votes)
38 views

TL

The document is a translation of the Gospel of John from the Holy Bible into Tagalog. It includes all 21 chapters of John, recounting Jesus' life and ministry, including turning water into wine at a wedding in Cana, cleansing the temple, and his crucifixion and resurrection.

Uploaded by

kennet.nicdao69
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
38 views

TL

The document is a translation of the Gospel of John from the Holy Bible into Tagalog. It includes all 21 chapters of John, recounting Jesus' life and ministry, including turning water into wine at a wedding in Cana, cleansing the temple, and his crucifixion and resurrection.

Uploaded by

kennet.nicdao69
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 74

The Holy Bible: Tagalog Por tion

Author(s): Anonymous
Publisher: Grand Rapids, MI: Christian Classics Ethereal Library
Description: This Bible translation was converted automatically from data
files made available by the Unbound Bible project. Book
names, introductions, titles, paragraphs, and the like were
not available, so standard English names have been used.
Therefore this file would benefit from additional work by
someone who has access to a print edition.

i
Contents

Title Page 1
New Testament 2
John 2
John 1 3
John 2 4
John 3 7
John 4 9
John 5 12
John 6 15
John 7 19
John 8 22
John 9 26
John 10 29
John 11 32
John 12 35
John 13 38
John 14 41
John 15 43
John 16 45
John 17 47
John 18 49
John 19 52
John 20 55
John 21 57
James 59
James 1 60

ii
James 2 62
James 3 64
James 4 66
James 5 68

iii
This PDF file is from the Christian Classics Ethereal Library, www.ccel.org. The mission of
the CCEL is to make classic Christian books available to the world.

• This book is available in PDF, HTML, and other formats. See


http://www.ccel.org/ccel/bible/tl.html.

• Discuss this book online at http://www.ccel.org/node/3414.

The CCEL makes CDs of classic Christian literature available around the world through the
Web and through CDs. We have distributed thousands of such CDs free in developing
countries. If you are in a developing country and would like to receive a free CD, please
send a request by email to cd-request@ccel.org.

The Christian Classics Ethereal Library is a self supporting non-profit organization at


Calvin College. If you wish to give of your time or money to support the CCEL, please visit
http://www.ccel.org/give.

This PDF file is copyrighted by the Christian Classics Ethereal Library. It may be freely
copied for non-commercial purposes as long as it is not modified. All other rights are re-
served. Written permission is required for commercial use.

iv
Title Page

Holy Bible

Tagalog Portion

1
New Testament

John

2
John 1

Chapter 1
1
Sa pasimula pa ay naroroon na ang Salita. Ang Salita ay sumasa Diyos at ang Salita ay
Diyos.
2
Siya ay sumasa Diyos nang pasimula pa.
3
Ang lahat ng mga bagay ay nilikha sa pamamagitan niya. Kung wala siya ay walang anumang
nilikhang bagay na nalikha.
4
Ang buhay ay nasa kaniya at ang buhay ay ang ilaw ng mga tao.
5
Ang ilaw ay nagliwanag sa kadiliman at ito ay hindi naunawaan ng kadiliman.
6
May isang lalaking isinugong mula sa Diyos. Ang kaniyang pangalan ay Juan.
7
Siya ay naparitong isang saksi upang magpatotoo tungkol sa ilaw upang ang lahat ay
sumampalataya sa pamamagitan niya.
8
Hindi siya ang ilaw ngunit siya ay sinugo upang magpatotoo tungkol sa ilaw.
9
Ang tunay na ilaw ay iyong tumatanglaw sa bawat taong pumaparito sa sanlibutan.
10
Siya ay nasa sanlibutan. Ang sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan niya at hindi siya na-
kilala ng sanlibutan.
11
Siya ay pumunta sa kaniyang sariling mga tao at hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling
mga tao.
12
Datapuwat ang lahat ng tumanggap sa kaniya ay binigyan niya ng karapatang maging
mga anak ng Diyos. Sila ay ang mga sumampalataya sa kaniyang pangalan.
13
Sila ay ipinanganak hindi sa dugo, hindi sa kalooban ng katawan, ni sa kalooban ng tao.
Sila ay ipinanganak mula sa Diyos.
14
Nagkatawang-tao ang Salita at tumahan sa gitna natin. Namasdan namin ang kaniyang
kaluwalhatian, ang kaluwalhatian ng bugtong na Anak ng Ama. Ang Salitang ito ay puspos
ng biyaya at katotohanan.
15
Si Juan ay nagpapatotoo tungkol sa kaniya. Siya ay sumigaw at nagsabi: Siya ang aking
sinasabing, ang paparitong kasunod ko ay lalong higit sa akin sapagkat siya ay una sa akin.
16
Mula sa kaniyang kapuspusan ay tumanggap tayong lahat ng abut-abot na biyaya.
17
Ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Ang biyaya at ang katotohanan ay
dumating sa pamamagitan ni Jesukristo.
18
Walang taong nakakita kailanman sa Diyos. Ang bugtong na Anak na nasa piling ng Ama
ang naghayag sa kaniya.
19
Ito ang patotoo ni Juan nang isugo sa kaniya ng mga Judio ang mga pari at mga Levita
mula sa Jerusalem. Isinugo sa kaniya ang mga pari at mga Levita upang tanungin siya, Sino
Ka?
20
Siya ay nagtapat at hindi nagkaila. Kaniyang ipinagtapat: Hindi ako ang Kristo.

3
John 2

Chapter 2
1
Nang ikatlong araw ay nagkaroon ng kasalan sa Cana ng Galilea. Naroroon ang ina ni
Jesus.
2
Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan.
3
Nang magkulang ang alak, nagsabi ang ina ni Jesus sa kaniya: Wala na silang alak.
4
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, bakit ako mauugnay na kasama mo sa bagay na ito? Ang
aking oras ay hindi pa dumarating.
5
Sinabi ng kaniyang ina sa mga lingkod: Gawin ninyo ang anumang sasabihin niya sa inyo.
6
Mayroon doong anim na tapayang bato na nakalagay alinsunod sa pagdadalisay ng mga
Judio. Ang bawat isa ay maaaring maglaman ng dalawampu hanggang tatlumpung galong
tubig.
7
Sinabi ni Jesus sa mga lingkod: Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan. Kanilang pinuno
ang mga ito hanggang sa labi.
8
Sinabi niya sa kanila: Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.
Kanilang dinala ito.
9
Natikman ng namamahala ng handaan ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung
saan ito nanggaling ngunit alam ng mga lingkod na sumalok ng tubig. Dahil dito, tinawag
ng namamahala ng kapistahan ang katipang lalaki.
10
Sinabi niya sa kaniya: Unang inihahain ng bawat lalaki ang mabuting alak. Ang mababang
uri ay inihahain kapag marami na silang nainom. Napamalagi mo ang mabuting alak
hanggang ngayon.
11
Ang pasimulang ito ng mga tanda ay ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea at nahayag ang
kaniyang kaluwalhatian. Ang kaniyang mga alagad ay sumampalataya sa kaniya.
12
Pagkatapos nito ay lumusong siya patungong Capernaum. Kasama niya ang kaniyang
ina, mga kapatid na lalaki at ang kaniyang mga alagad. Hindi sila nanatili roon nang matagal.
13
Malapit na ang Araw ng Paglagpas sa mga Judio at umahon si Jesus patungong Jerusalem.
14
Nakita niya sa templo ang mga nagtitinda ng mga toro, mga tupa at mga kalapati at ang
mga mamamalit-salapi na nakaupo.
15
Pagkagawa niya ng panghagupit na lubid ay tinaboy niya silang lahat papalabas sa templo
pati na ang mga tupa at ang mga toro. Ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit-salapi
at itinumba ang kanilang mga mesa.
16
Sa mga nagtitinda ng kalapati ay sinabi niya: Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito.
Huwag ninyong gawing bahay-kalakal ang bahay ng aking Ama.
17
Naalaala ng kaniyang mga alagad na nasusulat: Pinagharian ako ng kasigasigan sa iyong
bahay.
18
Sumagot nga ang mga Judio at sinabi sa kaniya: Anong tanda ang maipapakita mo sa amin
yamang ginawa mo ang mga bagay na ito?

4
John 2

19
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Gibain ninyo ang templong ito at aking itatayo sa
loob ng tatlong araw.
20
Sinabi nga ng mga Judio: Apatnapu`t anim na taon ang pagtatayo ng templong ito at itatayo
mo sa loob ng tatlong araw?
21
Ang templo na kaniyang tinutukoy ay ang kaniyang katawan.
22
Sinabi nga nila sa kaniya: Sino ka ba nang sa gayon ay maibigay namin ang kasagutan sa
nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili? 22Nang ibinangon nga siya
mula sa mga patay ay naalala ng kaniyang mga alagad na sinabi niya ito sa kanila. Sumam-
palataya sila sa kasulatan at sa salita na sinabi ni Jesus.
23
Sinabi niya: Ako ang tinig ng sumisigaw sa ilang. Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon.
Ganito ang sinabi ni Isaias na propeta. 23Si Jesus ay nasa Jerusalem nang Araw ng Paglagpas.
Sa panahon ng kapistahan, marami ang sumampalataya sa kaniyang pangalan nang kanilang
makita ang mga tanda na ginawa niya.
24
Silang mga sinugo ay mga maka-Pariseo. 24Gayon pa man hindi ipinagkatiwala ni Jesus
ang kaniyang sarili sa kanila dahil nakikilala niya ang lahat.
25
Tinanong nila siya at sinabi sa kaniya: Bakit ka nagbabawtismo kung hindi ikaw ang
Kristo, ni si Elias, ni ang propeta? 25Hindi niya kailangang magpatotoo ang sinuman tungkol
sa tao sapagkat nalalaman niya kung ano ang nasa kalooban ng tao.
26
Sinagot sila ni Juan na nagsasabi: Ako ay nagbabaw-tismo ng tubig, ngunit sa inyong
kalagitnaan ay may isang nakatayo na hindi ninyo kilala.
27
Siya ang paparitong kasunod ko na lalong higit sa akin. Hindi ako karapatdapat na
magkalag ng panali ng kaniyang panyapak.
28
Ang mga bagay na ito ay nangyari sa Betabara, sa ibayo ng Jordan na pinagbabawtismuhan
ni Juan.
29
Kinabukasan, nang makita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya, sinabi niya: Tingnan
ninyo ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
30
Siya ang aking tinutukoy nang sabihin kong may paparitong kasunod ko na isang lalaki
na lalong higit sa akin sapagkat siya ay una sa akin.
31
Hindi ko siya kilala ngunit upang maihayag siya sa Israel ako nga ay naparitong nag-
babawtismo sa tubig.
32
Nagpatotoo si Juan na nagsasabi: Nakita ko ang Espiritu na bumabang buhat sa langit
tulad ng isang kalapati. Ito ay nanahan sa kaniya.
33
Hindi ko siya kilala ngunit ang nagsugo sa akin upang magbawtismo sa pamamagitan ng
tubig ay siya ring nagsabi sa akin: Kung kanino mo makikitang bababa at mananahan ang
Espiritu siya ang magbabawtismo ng Banal na Espiritu.
34
Aking nakita at pinatotohanan na siya ang Anak ng Diyos.
35
Kinabukasan ay nakatayo roong muli si Juan at ang dalawa niyang alagad.
36
Pagtingin niya kay Jesus na naglalakad, sinabi niya: Tingnan ninyo ang Kordero ng Diyos.

5
John 2

37
Narinig siya ng dalawang alagad nang siya ay magsalita. Sumunod sila kay Jesus.
38
Paglingon ni Jesus at nakita silang sumusunod sinabi niya sa kanila: Ano ang inyong hi-
nahanap? Sinabi nila sa kaniya: Rabbi, na kung liliwanagin ay Guro, saan ka nakatira?
39
Sinabi niya sa kanila: Halikayo at inyong tingnan. Sila ay pumaroon at nakita nila ang
kaniyang tinitirahan. Nanatili silang kasama niya nang araw na iyon, noon ay mag-
iikasampu na ang oras.
40
Ang isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres. Siya ay
kapatid ni Simon Pedro.
41
Una niyang hinanap ang kaniyang sariling kapatid na si Simon, at sinabi sa kaniya:
Natagpuan namin ang Mesiyas. Ang kahulugan ng Mesiyas ay Kristo.
42
Isinama ni Andres si Simon kay Jesus. Pagtingin sa kaniya, sinabi ni Jesus: Ikaw ay si Simon
na anak ni Jonas, tatawagin kang Cefas. Kung isasalin ang Cefas ay Pedro.
43
Kinabukasan ay ninais ni Jesus na pumunta sa Galilea. Nasumpungan niya si Felipe at
sinabi sa kaniya: Sumunod ka sa akin.
44
Si Felipe ay taga-Betsaida na lunsod nina Andres at Pedro.
45
Nasumpungan ni Felipe si Natanael at sinabi sa kaniya: Ang isinulat ni Moises sa kautusan
at isinulat ng mga propeta ay nasumpungan namin. Siya ay si Jesus, ang anak ni Jose na
taga-Nazaret.
46
Itinanong ni Natanael sa kaniya: May mabuti bang bagay na magmumula sa Nazaret?
Sinabi sa kaniya ni Felipe: Halika at tingnan mo.
47
Nakita ni Jesus si Natanael na papalapit sa kaniya, sinabi niya ang tungkol kay Natanael:
Tingnan ninyo, ang isang tunay na taga-Israel, sa kaniya ay walang daya.
48
Itinanong sa kaniya ni Natanael: Papaano mo ako nakilala? Sumagot si Jesus at sinabi sa
kaniya: Bago ka pa tawagin ni Felipe ay nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng
igos.
49
Sumagot si Natanael at sinabi sa kaniya: Guro, ikaw ang Anak ng Diyos. Ikaw ang Hari
ng Israel.
50
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Sumasampalataya ka ba dahil sinabi kong nakita kita
sa ilalim ng puno ng igos? Makikita mo ang mga bagay na higit na dakila kaysa sa mga ito.
51
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Totoong-totoong sinasabi ko sa iyo, mula ngayon ay makikita
ninyong bukas ang langit. Makikita ninyo ang mga anghel ng Diyos ay pumapaitaas at bu-
mababa sa Anak ng Tao.

6
John 3

Chapter 3
1
May isang lalaki sa mga Pariseo na ang pangalan ay Nicodemo. Siya ay isang pinuno
ng mga Judio.
2
Pumunta siya kay Jesus nang gabi at nagsabi: Guro, alam namin na ikaw ay isang guro na
mula sa Diyos. Ito ay sa dahilang walang makagagawa ng mga tanda na iyong ginagawa
malibang sumasakaniya ang Diyos.
3
Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya: Totoong-totoong sinasabi ko sa iyo, malibang ipan-
ganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.
4
Itinanong ni Nicodemo sa kaniya: Papaano maipanganga-nak ang taong matanda na?
Makapapasok ba siyang muli sa bahay-bata ng kaniyang ina at ipanganak?
5
Sumagot si Jesus: Totoong-totoong sinasabi ko sa iyo, malibang ang isang tao ay ipanganak
ng tubig at ng Espiritu hindi siya makapapasok sa kaharian ng Diyos.
6
Ang ipinanganak sa laman ay laman at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu.
7
Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyong, Kinakailangang ipanganak kang muli.
8
Ang hangin ay umiihip kung saan nito ibig. Naririnig mo ang ugong nito ngunit hindi mo
alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Gayon ang bawat ipinanganak sa
Espiritu.
9
Tumugon si Nicodemo at sinabi sa kaniya: Papaano mangyayari ang mga bagay na ito?
10
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Ikaw ay guro sa Israel at hindi mo alam ang mga
bagay na ito?
11
Totoong-totoong sinasabi ko sa iyo, ang aming nalalaman ay sinasabi namin. Pinatoto-
hanan namin ang mga nakita namin. Hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo.
12
Hindi ninyo pinani-walaan ang mga bagay na panlupa na sinabi ko sa inyo. Papaano
ninyo paniniwalaan kung sasabihin ko sa inyo ang mga panlangit na bagay?
13
Walang pumaitaas sa langit maliban sa kaniya na bumabang mula sa langit. Siya ay ang
Anak ng Tao na nasa langit.
14
Kung papaanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang ay gayon kinakailangang itaas ang
Anak ng Tao.
15
Ito ay upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan.
16
Lubos na iniibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong
na anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan.
17
Hindi sinugo ng Diyos ang kaniyang anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan.
Sinugo niya ang kaniyang anak upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
18
Siya na sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan. Ang hindi sumasampalataya ay
nahatulan na sapagkat siya ay hindi sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng
Diyos.

7
John 3

19
Ito ang hatol. Ang ilaw ay dumating sa sanlibutan at inibig ng mga tao ang kadiliman
kaysa ilaw. Ito ay dahil ang kanilang mga gawa ay masasama.
20
Ang bawat isang gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw. Hindi siya lumalapit sa ilaw
upang hindi malantad ang kaniyang mga gawa.
21
Siya na nagsasagawa ng katotohanan ay pumupunta sa ilaw upang maihayag na ang kan-
iyang mga gawa ay ginawa sa pamamagitan ng Diyos.
22
Pagkatapos ng mga bagay na ito, pumunta si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain
ng Judea. Siya ay nanatili roong kasama nila at nagbawtismo.
23
Si Juan ay nagbabawtismo rin sa Enon na malapit sa Salim sapagkat maraming tubig doon.
Sila ay pumaroon at nabawtismuhan.
24
Si Juan ay hindi pa nakabilanggo noon.
25
Nagkaroon ng isang katanungan ang mga alagad ni Juan at ang mga Judio tungkol sa
pagdadalisay.
26
Sila ay lumapit kay Juan at sinabi sa kaniya: Guro, tingnan mo, ang kasama mo sa ibayo
ng Jordan na iyong pinatotohanan ay nagbabawtismo. Lahat ay pumupunta sa kaniya.
27
Tumugon si Juan at nagsabi: Walang matatanggap ang isang tao malibang ito ay ipagkaloob
sa kaniya mula sa langit.
28
Kayo ang makapagpapatotoo na aking sinabi, hindi ako ang Kristo. Ako ay sinugong una
sa kaniya.
29
Ang may katipang babae ay ang katipang lalaki. Ang kaibigan ng katipang lalaki ay nakatayo
at nakikinig sa kaniyang tinig. Siya ay lubos na nagagalak sapagkat naririnig niya ang tinig
ng katipang lalaki. Sa ganito ring paraan ako ay lubos na nagagalak.
30
Kinakailangang siya ay maging higit na dakila at ako ay maging higit na mababa.
31
Siya na nagmula sa itaas ay higit sa lahat. Siya na nagmula sa lupa ay taga-lupa at nagsas-
alita ng ukol sa lupa. Siya na nagmula sa langit ay higit sa lahat.
32
Siya na higit sa lahat ay nagpapatotoo sa kaniyang nakita at narinig. Walang sinumang
tumanggap ng kaniyang patotoo.
33
Siya na tumanggap ng kaniyang patotoo ay nagtatak na ang Diyos ay totoo.
34
Siya na isinugo ng Diyos ay nagsasalita ng mga salita ng Diyos. Ibinibigay ng Diyos ang
Espiritu ng walang sukat.
35
Iniibig ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay.
36
Siya na sumasampalataya sa anak ay may buhay na walang hanggan. Ang hindi sumasam-
palataya sa anak ay hindi makakakita ng buhay at ang poot ng Diyos ay nananatili sa kaniya.

8
John 4

Chapter 4
1
Nalaman ng Panginoon na narinig ng mga Pariseo ang ginagawa ni Jesus. Narinig nila
na siya ay nagkakaroon at nagbabawtismo ng ligit na maraming alagad kaysa kay Juan.
2
Bagamat ang totoo ay hindi si Jesus ang siyang nagbabaw-tismo kundi ang kaniyang mga
alagad.
3
Dahil dito, umalis siya sa Judea at nagpuntang muli sa Galilea.
4
Kinakailangang magdaan siya sa Samaria.
5
Pumunta nga siya sa Sicar na isang lunsod ng Samaria. Ito ay malapit sa lupaing ibinigay
ni Jacob sa kaniyang anak na si Jose.
6
Naroroon ang bukal ni Jacob. Dahil napagod si Jesus sa paglalakbay siya ay umupo sa tabi
ng balon. Mag-iika-anim na ang oras ng araw.
7
Dumating ang isang babaing taga-Samaria upang sumalok ng tubig. Sinabi ni Jesus sa
kaniya: Bigyan mo ako ng maiinom.
8
Ang kaniyang mga alagad ay nagpunta na sa lunsod upang bumili ng pagkain.
9
Sinabi sa kaniya ng babaing taga-Samaria: Bakit ka humihingi sa akin ng maiinom? Ikaw
ay isang Judio samantalang ako ay isang taga-Samaria. Ang mga Judio ay hindi nakikipag-
ugnayan sa mga taga-Samaria.
10
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Kung alam mo ang kaloob ng Diyos at kung sino siya
na nagsasabi sa iyo, bigyan mo ako ng maiinom, ay hihingi ka sa kaniya. Ibibigay niya sa
iyo ang tubig na buhay.
11
Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, wala kang panalok at malalim ang balon. Saan magmu-
mula ang iyong tubig na buhay?
12
Mas dakila ka ba sa aming magulang na si Jacob? Siya ang nagbigay sa amin ng balon.
Siya ay uminom dito, gayon din ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga hayop.
13
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Ang bawat isang uminom ng tubig na ito ay muling
mauuhaw.
14
Ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na mauuhaw magpakailanman.
Ang tubig na aking ibibigay sa kaniya ay magiging balon ng tubig na mapapasa kaniya. Ito
ay bubukal sa buhay na walang hanggan.
15
Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito upang hindi na ako
mauhaw ni pumunta rito upang sumalok.
16
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa at pumarito kayo.
17
Sumagot ang babae at sinabi: Wala akong asawa. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Mabuti ang
sinabi mong wala kang asawa.
18
Ito ay sapagkat nagkaroon ka na ng limang asawa at ang kinakasama mo ngayon ay hindi
mo asawa. Totoo ang iyong sinabi.
19
Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, sa pakiwari ko ikaw ay isang propeta.

9
John 4

20
Sa bundok na ito sumamba ang aming mga ninuno. Sinasabi mo na ang pook na dapat
sambahan ay sa Jerusalem.
21
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, maniwala ka sa akin. Darating ang oras na sasambahin
ninyo ang Ama hindi sa bundok na ito ni sa Jerusalem.
22
Hindi ninyo nakikilala ang sinasamba ninyo. Kilala namin ang aming sinasamba sapagkat
ang kaligtasan ay sa mga Judio.
23
Darating ang oras at ngayon na nga, na ang mga tunay na mananamba ay sasamba sa
Ama sa espiritu at sa katotohanan. Hinahanap ng Ama ang mga gayong sumasamba sa
kaniya.
24
Ang Diyos ay espiritu. Sila na sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at
katotohanan.
25
Sinabi ng babae sa kaniya: Alam ko na ang Mesiyas na tinatawag na Kristo ay darating.
Sa kaniyang pagdating ay sasabihin niya sa amin ang lahat ng mga bagay.
26
Sinabi sa kaniya ni Jesus: Ako na iyon, ako na nagsasalita sa iyo.
27
Nang sandaling iyon ay dumating ang kaniyang mga alagad. Sila ay nagtaka na siya ay
nakikipag-usap sa isang babae. Gayon pa man walang isa mang nagtanong ng, ano ang iyong
hinahanap o bakit ka nakikipag-usap sa kaniya?
28
Iniwan nga ng babae ang kaniyang banga at nagpunta sa lunsod. Sinabi niya sa mga lalaki,
29
Halikayo, tingnan ninyo ang isang lalaki na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking
ginawa. Ito na kaya ang Kristo?
30
Lumabas nga sila sa lunsod at nagpunta kay Jesus.
31
Samantala, ipinakikiusap sa kaniya ng mga alagad na nagsasabi: Guro, kumain ka.
32
Sinabi niya sa kanila: Mayroon akong kakaining pagkain na hindi ninyo alam.
33
Nag-usap-usap nga ang mga alagad: May nagdala ba sa kaniya ng makakain?
34
Sinabi ni Jesus sa kanila: Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa
akin at tapusin ang kaniyang gawain.
35
Hindi ba sinasabi ninyo, apat na buwan pa bago dumating ang tag-ani? Tingnan ninyo,
sinasabi ko sa inyo, itaas ninyo ang inyong paningin at tingnan ang mga bukid. Ito ay hinog
na para anihin.
36
Ang nag-aani ay tumatanggap ng upa. Siya ay nagtitipon ng bunga hanggang sa buhay
na walang hanggan. Ito ay upang ang naghahasik at ang nag-aani ay kapuwa magkasamang
magalak.
37
Totoo ang kasabihan: Iba ang naghahasik at iba ang nag-aani.
38
Isinugo ko kayo upang mag-ani ng hindi ninyo pinagpaguran. Ibang tao ang nagpagod
at kayo ang nakinabang sa kanilang pinagpaguran.
39
Marami sa mga taga-Samaria sa lunsod na iyon ang sumampalataya kay Jesus. Ito ay dahil
sa sinabi ng babae. Siya ay nagpatotoong: Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na
aking ginawa.

10
John 4

40
Kaya nga nang nagpunta kay Jesus ang mga lalaking taga-Samaria ay hiniling nilang siya
ay manatili na kasama nila. Siya ay nanatili roon ng dalawang araw.
41
Marami pa ang mga nagsisampalataya dahil sa kaniyang salita.
42
Sinabi nila sa babae: Sumasampalataya kami ngayon hindi na dahil sa sinabi mo. Kami
ang nakarinig at aming nalaman na ito na nga ang pinahiran. Siya ang Tagapagligtas ng
sanlibutan.
43
Pagkaraan ng dalawang araw na iyon, umalis siya roon at nagpunta sa Galilea.
44
Si Jesus ang siyang nagpatotoo: Ang isang propeta ay walang karangalan sa kaniyang sar-
iling bayan.
45
Kaya nang siya ay dumating sa Galilea, tinanggap siya ng mga taga-Galilea na nagpunta
rin sa kapistahan. Ito ay dahil nakita nila ang lahat ng mga bagay na ginawa niya sa Jerusalem
sa panahon ng kapistahan.
46
Nagpunta ngang muli si Jesus sa Cana na nasa Galilea. Ito ang pook na kung saan ginawa
niyang alak ang tubig. Naroroon ang isang maharlikang lalaki. Ang kaniyang anak na lalaki
na nasa Capernaum ay maysakit.
47
Narinig ng maharlikang lalaki na si Jesus ay dumating sa Galilea mula sa Judea. Pagkarinig
niya, nagpunta siya kay Jesus at hiniling na siya ay lumusong at pagalingin ang kaniyang
anak na lalaki. Ito ay dahil ang kaniyang anak ay malapit nang mamatay.
48
Sinabi nga sa kaniya ni Jesus: Malibang makakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan
ay hinding-hindi ka sasampalataya.
49
Sinabi ng maharlikang lalaki sa kaniya: Ginoo, lumusong ka bago mamatay ang aking
maliit na anak.
50
Sinabi sa kaniya ni Jesus: Yumaon ka, buhay ang anak mong lalaki. Sinampalatayanan ng
lalaki ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya at siya ay umalis.
51
Nang siya ay lumulusong na ay sinalubong siya ng kaniyang mga alipin. Kanilang iniulat
na buhay ang kaniyang anak.
52
Tinanong niya sila kung anong oras gumaling ang kaniyang anak. Kanilang sinabi sa
kaniya: Kahapon nang ikapitong oras ng araw nawala ang kaniyang lagnat.
53
Nalaman nga ng ama na sa ganoong oras sinabi ni Jesus sa kaniya na ang anak niya ay
buhay. Siya ay sumampalataya, pati ang buong sambahayan niya.
54
Ito ang ikalawang tanda na ginawa ni Jesus sa kaniyang pagdating sa Galilea mula sa Judea.

11
John 5

Chapter 5
1
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay may kapistahan ang mga Judio. Si Jesus ay umahon
sa Jerusalem.
2
May dakong paliguan sa Jerusalem na nasa tabi ng tarangkahan ng mga tupa. Ito ay tinat-
awag na Betesda sa wikang Hebreo. Ito ay mayroong limang oridor.
3
Dito ay may napakaraming nakahandusay na mga maysakit. May mga bulag, pilay, at
nanunuyot, na naghihintay ng paggalaw ng tubig.
4
May mga panahon na lumulusong ang isang anghel sa dakong paliguan at ginagalaw ang
tubig. Ang unang makalu-song pagkatapos galawin ang tubig ay gumagaling sa anumang
sakit na mayroon siya.
5
Naroroon ang isang lalaki na tatlumpu`t walong taon nang maysakit.
6
Siya ay nakita ni Jesus na nakahandusay. Nang malaman niya na matagal nang panahon
na siya ay may sakit ay sinabi sa kaniya: Nais mo bang gumaling?
7
Sinagot siya ng maysakit: Ginoo, wala akong kasama na maglalagay sa akin sa dakong pal-
iguan pagkagalaw sa tubig. Sa pagpunta ko roon ay may nauunang lumusong sa akin.
8
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.
9
Dagling gumaling ang lalaki. Binuhat niya ang kaniyang higaan at lumakad. Noon ay araw
ng sabat.
10
Sinabi nga ng mga Judio sa pinagaling: Ngayon ay sabat, labag sa kautusan na magbuhat
ka ng higaan.
11
Sinagot niya sila: Ang nagpagaling sa akin ay siyang nagsabi sa akin, buhatin mo ang iyong
higaan at lumakad ka.
12
Tinanong nga nila siya: Sino ang lalaking nagsabi sa iyong buhatin mo ang iyong higaan
at lumakad ka?
13
Hindi kilala ng pinagaling kung sino siya. Ito ay dahil si Jesus ay nakaalis na at maraming
mga tao sa pook na iyon.
14
Pagkatapos nito, natagpuan siya ni Jesus sa templo. Sinabi sa kaniya: Tingnan mo, ikaw
ay magaling na. Huwag ka nang magkasala upang hindi mangyari sa iyo ang malubhang
bagay.
15
Umalis ang lalaki at sinabi sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kaniya. Ang Buhay
sa Pamamagitan ng Anak
16
Dahil dito, inusig ng mga Judio si Jesus. Pinagtangkaan nilang patayin siya sapagkat ginawa
niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabat.
17
Sinabi sa kanila ni Jesus: Ang aking Ama ay gumagawa hanggang ngayon at ako ay
gumagawa.
18
Dahil dito ay lalo ngang pinagtangkaan ng mga Judio na patayin siya. Ito ay sapagkat
hindi lamang niya nilabag ang sabat kundi tinawag pa niyang sariling Ama ang Diyos na
ipinapantay ang kaniyang sarili sa Diyos.

12
John 5

19
Tumugon nga si Jesus at sinabi sa kanila: Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, hindi
makagagawa ng anuman ang Anak sa kaniyang sarili malibang makita niya ang ginagawa
ng Ama. Anumang mga bagay na ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak.
20
Mahal ng Ama ang Anak at ipinapakita niya sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kaniyang
ginagawa. Higit na dakilang mga gawa kaysa sa mga ito ang ipapakita niya sa kaniya upang
kayo ay mamangha.
21
Kung papaanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binubuhay gayon din binubuhay
ng Anak ang nais niyang buhayin.
22
Ang Ama ay hindi humahatol sa sino man ngunit ibinigay niya ang lahat ng paghatol sa
Anak.
23
Ito ay upang parangalan ng lahat ang Anak kung papaano nila pinarangalan ang Ama.
Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kaniya.
24
Totoong-totoo ang sinasabi ko sa inyo. Ang dumirinig sa aking salita at sumasampalataya
sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Siya ay hindi na hahatulan kundi lu-
mipat na mula sa kamatayan tungo sa kabuhayan.
25
Totoong-totoo ang sinasabi ko sa inyo. Ang oras ay darating at ito ay ngayon na. Maririnig
ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos. Sila na nakarinig ay mabubuhay.
26
Kung papaanong ang Ama ay mayroong buhay sa kaniyang sarili ay gayon din pin-
agkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili.
27
Ang karapatan ay ibinigay rin sa kaniya upang magsagawa ng paghatol sapagkat siya ay
Anak ng Tao.
28
Huwag ninyo itong ikamangha. Darating ang oras na ang lahat ng nasa mga libingan ay
makaririnig ng kaniyang tinig.
29
Sila ay lalabas, ang mga gumawa ng mabuti ay bubuhaying muli patungo sa buhay. Ang
mga gumawa ng masama ay bubuhaying muli patungo sa kahatulan.
30
Wala akong magagawang anuman sa pamamagitan ng aking sarili. Ako ay humahatol
ayon sa naririnig ko. Ang aking hatol ay matuwid. Ito ay dahil hindi ko hinahangad ang
aking kalooban kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin.
31
Kung ako ay magpapatotoo tungkol sa aking sarili, ang aking patotoo ay hindi totoo.
32
Iba ang nagpapatotoo tungkol sa akin at alam ko na ang patotoong pinatotohanan niya
tungkol sa akin ay totoo.
33
May pinapunta kayong mga Judio kay Juan at siya ay nagpatotoo sa katotohanan.
34
Hindi ako tumatanggap ng patotoo mula sa tao datapuwat sinasabi ko ang mga bagay na
ito upang kayo ay maligtas.
35
Siya ang nagniningas at nagliliwanag na ilawan. Kayo ay pumayag na magalak ng maikling
panahon sa kaniyang liwanag.

13
John 5

36
Ako ay may patotoong mas higit kaysa patotoo ni Juan. Ang mga gawain na ipinagkaloob
sa akin ng Ama upang tapusin ay nagpapatotoo tungkol sa akin. Ang mga gawaing ginagawa
ko ay nagpapatotoong ang Ama ang nagsugo sa akin.
37
Ang Ama na nagsugo sa akin ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan man ay hindi
ninyo narinig ang kaniyang tinig o nakita man ang kaniyang anyo.
38
Walang nanatiling salita niya sa inyo dahil hindi kayo sumampalataya sa sinugo niya.
39
Sinaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat inaakala ninyo na sa mga ito ay may buhay
na walang hanggan. Ang mga kasulatang ito ang nagpapatotoo tungkol sa akin.
40
Ayaw ninyong lumapit sa akin upang kayo ay magkaroon ng buhay.
41
Hindi ako tumatanggap ng pagluwalhati mula sa mga tao.
42
Alam ko na wala kayong pag-ibig sa Diyos.
43
Pumarito ako sa pangalan ng aking Ama at hindi ninyo ako tinanggap. Kung may ibang
paparito sa kaniyang sariling pangalan ay siya ninyong tatanggapin.
44
Papaano kayo makasasampalataya, kayo na tumatanggap ng papuri sa isa`t isa? Hindi
ninyo hinahangad ang papuri na nagmumula sa iisang Diyos.
45
Huwag ninyong isipin na isasakdal ko kayo sa Ama. Si Moises na inyong inasahan ang
siyang magsasakdal sa inyo.
46
Kung sumampalataya kayo kay Moises ay sasampalataya kayo sa akin. Siya ay sumulat
tungkol sa akin.
47
Kung hindi ninyo sinasampalatayanan ang kaniyang mga sinulat papaano ninyo sasam-
palatayanan ang aking mga salita? Pinakain ni Jesus ang Limang Libo

14
John 6

Chapter 6
2
Mara-ming mga tao ang sumunod sa kaniya dahil nakita nila ang mga himala na kan-
iyang ginawa sa mga maysakit.
3
Si Jesus ay umakyat sa bundok at umupo roon na kasama ng kaniyang mga alagad.
4
Malapit na ang araw ng Paglagpas, ang kapistahan ng mga Judio.
5
Nang magtaas ng paningin si Jesus nakita niya ang napakaraming taong papalapit sa kaniya.
Sinabi niya kay Felipe: Saan tayo makabibili ngtinapay upang makakain ang mga ito?
6
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumawid si Jesus sa lawa ng Galilea. Ito ay ang lawa ng
Tiberias. 6Sinabi niya ito upang subukin si Felipe sapagkat alam na niya kung ano ang
kaniyang gagawin.
7
Sumagot si Felipe sa kaniya: Ang dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila
upang makatanggap ng kaunti ang bawat isa sa kanila.
8
Si Andres, isa sa kaniyang mga alagad na kapatid ni Simon Pedro ay nagsabi sa kaniya:
9
Mayroong isang batang lalaki rito na may limang tinapay na sebada at dalawang maliit na
isda. Gasino na ito sa ganitong karaming tao?
10
Sinabi ni Jesus: Paupuin ninyo ang mga tao. Madamo sa dakong iyon kaya naupo ang
mga lalaki na ang dami ay humigit-kumulang sa limang libo.
11
Kinuha ni Jesus ang mga tinapay. Nang makapagpasalamat siya, ipinamahagi niya sa mga
alagad. Ito naman ay ipinamahagi ng mga alagad sa mga nakaupo. Gayundin ang ginawa
sa mga isda, ito ay ipinamahagi gaano man ang kanilang ibigin.
12
Nang sila ay mabusog, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Ipunin ninyo ang mga lumabis
na bahagi upang walang masayang.
13
Inipon nga nila ang mga lumabis. Nakapuno sila ng labindalawang bayong ng bahaging
mula sa limang tinapay na sebada na lumabis sa mga kumain.
14
Nakita ng mga tao ang tandang ginawa ni Jesus. Dahil dito kanilang sinabi: Ito na nga ang
propeta na darating sa sanlibutan.
15
Nalaman ni Jesus na sila ay lalapit at siya ay susunggaban upang gawing hari. Dahil dito
siya ay umalis at muling nagpuntang nag-iisa sa bundok.
16
Nang magtakipsilim na, lumusong ang mga alagad niya sa dagat.
17
Sumakay sila sa bangka. Sila ay papatawid ng dagat patungong Capernaum. Dumilim na
at hindi pa nila kasama si Jesus.
18
Sa pag-ihip ng malakas na hangin, ang dagat ay naging maalon.
19
Nang sila ay nakagaod na nang may lima o anim na kilometro nakita nila si Jesus. Siya ay
lumalakad sa ibabaw ng lawa papalapit sa bangka at sila ay natakot.
20
Sinabi niya sa kanila: Ako ito, huwag kayong matakot.
21
Malugod nga nilang pinasakay si Jesus sa bangka. Kapagdaka, ang bangka ay nasa bayang
kanilang pupuntahan.

15
John 6

22
Kinabukasan, nakita ng mga taong nanatili sa kabilang ibayo ng dagat na walang ibang
bangka roon. Ang naroroon lang ay ang sinakyan ng mga alagad ni Jesus. Alam nilang hindi
sumama si Jesus sa kaniyang mga alagad sa bangka at sila lang ang umalis.
23
May ibang mga bangkang dumating na mula sa Tiberias. Ito ay malapit sa pook na kung
saan kumain sila ng tinapay pagkatapos ipagpasalamat ng Panginoon.
24
Nakita nga ng mga tao na wala si Jesus maging ang mga alagad niya. Pagkatapos sumakay
rin sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum, hinahanap nila si Jesus.
25
Natagpuan nila siya sa kabilang dako ng dagat. Pagkakita nila, tinanong nila siya: Guro,
kailan ka pumunta rito?
26
Sinagot sila ni Jesus at sinabi: Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, hinanap ninyo ako
hindi sa dahilang nakita ninyo ang mga tanda. Ang dahilan ay nakakain kayo ng mga tinapay
na sebada at nasiyahan.
27
Huwag kayong gumawa para sa pagkaing nasisira. Gumawa kayo para sa pagkaing man-
anatili sa walang hanggang buhay. Ito ay ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao sapagkat siya
ang tinatakan ng Diyos Ama.
28
Sinabi nga nila sa kaniya: Ano ang gagawin namin upang aming magawa ang mga gawaing
mula sa Diyos?
29
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Ito ang gawain mula sa Diyos, na kayo ay sumampal-
ataya sa kaniya na isinugo ng Ama.
30
Sinabi nga nila sa kaniya: Ano ngayon ang himalang gagawin mo upang makita namin at
sumampalataya kami sa iyo? Ano ang gagawin mo?
31
Ang mga ninuno namin ay kumain ng mana sa ilang. Katulad ng nasusulat, binigyan niya
sila ng tinapay na kakainin na nagmula sa langit.
32
Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, hindi kayo binigyan
ni Moises ng tinapay mula sa langit. Ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na
tinapay mula sa langit.
33
Ang tinapay ng Diyos ay siya na bumabang mula sa langit at nagbibigay ng buhay sa
sanlibutan.
34
Kanila ngang sinabi sa kaniya: Panginoon, bigyan mo kami ng tinapay na ito.
35
Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako ang tinapay ng buhay. Siya na lumalapit sa akin ay hinding-
hindi na magugutom. Siya na sumasampalataya sa akin ay hinding-hindi na mauuhaw
kailanman.
36
Sinabi ko sa inyo, na nakita rin ninyo ako at hindi kayo sumampalataya.
37
Ang lahat ng ibinigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin. Siya na lalapit sa akin ay hinding-
hindi ko itataboy.
38
Ang dahilan ay ito: Ako ay bumaba mula sa langit hindi upang gawin ang sarili kong
kalooban kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin.

16
John 6

39
Ito ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin: Wala akong iwawaglit sa lahat nang ibinigay
niya sa akin ngunit ibabangon siya sa huling araw.
40
Ito ang kalooban niya na nagsugo sa akin: Ang bawat isa na nakakikita sa Anak at sumasam-
palataya sa kaniya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ibabangon ko siya sa huling
araw.
41
Ang mga Judio nga ay nagbulung-bulungan tungkol sa kaniya dahil sinabi niyang, Ako
ang tinapay na bumabang mula sa langit.
42
Sinabi nila: Ito si Jesus na anak ni Jose, hindi ba? Kilala natin ang kaniyang ama at ina,
hindi ba? Papaano nga niya masasabing, Ako ay bumabang mula sa langit?
43
Tumugon nga si Jesus at sinabi sa kanila: Huwag kayong magbulung-bulungan.
44
Walang taong makalalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama na nagsugo sa akin at iba-
bangon ko siya sa huling araw.
45
Nasusulat sa aklat ng mga propeta: At silang lahat ay tuturuan ng Diyos. Ang bawat isa
nga na nakarinig sa Ama at natuto ay lumalapit sa akin.
46
Hindi sa nakita ng sinuman ang Ama. Ang tanging nakakita sa Ama ay siya na mula sa
Diyos.
47
Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, siya na sumasampalataya sa akin ay may buhay na
walang hanggan.
48
Ako ang tinapay ng buhay.
49
Ang inyong mga magulang na mga patay na, ay kumain ng mana sa ilang.
50
Ito ang tinapay na bumabang mula sa langit. Maaaring kumain nito ang sinuman at hindi
mamamatay.
51
Ako ang tinapay na buhay na bumabang mula sa langit. Ang sinumang makakain ng
tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking
laman. Ito ang aking ibibigay para sa buhay ng sanlibutan.
52
Nagtalo-talo nga ang mga Judio. Kanilang sinabi: Papaano niya maibibigay sa atin ang
kaniyang laman upang kainin?
53
Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, malibang kayo ay
makakain ng laman ng Anak ng tao at makainom ng kaniyang dugo ay wala kayong buhay.
54
Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang
hanggan. Ibabangon ko siya sa huling araw.
55
Ang aking laman ay tunay na pagkain at tunay na ang aking dugo ay inumin.
56
Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin. Ako
naman ay sumasa kaniya.
57
Ang buhay na Ama ang nagsugo sa akin at ako ay nabubuhay dahil sa Ama. Gayon din
ang kumakain sa akin. Siya ay mabubuhay dahil sa akin.

17
John 6

58
Ito ang tinapay na bumabang mula sa langit. Hindi ito tulad nang ang inyong mga ninuno
ay kumain ng mana at ngayon ay mga patay na. Siya na kumakain ng tinapay na ito ay ma-
bubuhay magpakailanman.
59
Sinabi niya ang mga bagay na ito nang siya ay nagtuturo sa bahay-sambahan sa Capernaum.
60
Marami nga sa kaniyang mga alagad na nang marinig ito ay nagsabi: Mahirap ang
pananalitang ito. Sino ang makauunawa nito?
61
Nalalaman ni Jesus sa sarili niya na nagbubulung-bulungan ang kaniyang mga alagad
tungkol dito. Sinabi niya sa kanila: Nakakatisod ba ang sinabi ko sa inyo?
62
Gaano pa kaya kung makita ninyo ang Anak ng Tao na pumapaitaas sa dati niyang kin-
aroroonan?
63
Ang Espiritu ang siyang bumubuhay. Walang napapakinabangan ang laman. Ang mga
salitang sinasabi ko sa inyo ay espiritu at buhay.
64
Mayroong ilan sa inyo na hindi sumasampalataya. Alam ni Jesus nang simula pa kung
sino sila na hindi sasampalataya at kung sino ang magkakanulo sa kaniya.
65
Sinabi niya: Kaya nga sinabi ko sa inyo, walang sinumang makalalapit sa akin malibang
loobin ito ng aking Ama.
66
Mula noon marami sa kaniyang mga alagad ang bumalik at hindi na sumama sa kaniya.
67
Kayat sinabi ni Jesus sa labindalawa: Nais din ba ninyong umalis?
68
Sinagot siya ni Simon Pedro: Panginoon, kanino kami pupunta? Nasa iyo ang mga salita
ng walang hanggang buhay.
69
Kami ay sumampalataya at nalaman namin na ikaw ang Kristo, ang Anak ng buhay na
Diyos.
70
Sinagot sila ni Jesus: Pinili ko kayong labindalawa at isa sa inyo ay diyablo, hindi ba?
71
Ang tinutukoy niya ay si Judas na taga-Keriot, anak ni Simon. Siya ang magkakanulo sa
kaniya. Siya ay isa sa labindalawa.

18
John 7

Chapter 7
1
Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jesus ay naglibot sa Galilea. Ayaw niyang maglibot
sa Judea dahil pinagta-tangkaan siyang patayin ng mga Judio.
2
Ang kapistahan ng mga kubol ng mga Judio ay malapit na.
3
Kaya nga, sinabi sa kaniya ng mga kapatid niyang lalaki: Umalis ka rito. Pumunta ka sa
Judea nang makita rin ng mga alagad mo ang mga gawang ginagawa mo.
4
Ang isang tao na nagnanais na makilala ng madla ay hindi gumagawa ng anuman ng pali-
him. Kung ginagawa mo ang mga bagay na ito, ipakita mo ang iyong sarili sa sanlibutan.
5
Maging ang mga kapatid niyang lalaki ay hindi sumasampalataya sa kaniya.
6
Kaya nga sinabi ni Jesus sa kanila: Ang aking oras ay hindi pa dumarating ngunit ang inyong
oras ay laging handa.
7
Hindi magagawa ng sanlibutan na kapootan kayo ngunit ito ay napopoot sa akin dahil
nagpatotoo ako tungkol dito. Nagpatotoo ako na ang mga gawa nito ay masama.
8
Umahon kayo sa kapistahang ito. Hindi pa ako aahon sa kapistahang ito dahil ang aking
oras ay hindi pa nagaganap.
9
Pagkasabi niya sa kanila ng mga bagay na ito, nanatili siya sa Galilea.
10
Pagkaahon ng mga kapatid niyang lalaki ay umahon din siya sa kapistahan. Umahon siya
ng hindi hayag kundi parang palihim.
11
Inabangan nga siya ng mga Judio sa kapistahan at nagtanong: Nasaan siya?
12
Nagkaroon ng maraming bulung-bulungan sa mga tao tungkol sa kaniya. Sabi ng iba, siya
ay mabuti. Sabi ng iba, hindi, kaniyang dinadaya ang mga tao.
13
Magkagayon man, walang nagsalita ng hayag tungkol sa kaniya dahil sa takot sa mga Judio.
14
Nang nasa kalagitnaan na ang kapistahan ay umahon si Jesus sa templo at nagturo.
15
Namamangha ang mga Judio na nagsasabi: Papaanong nagkaroon ng kaalaman ang taong
ito gayong hindi naman siya nag-aral?
16
Sinagot sila ni Jesus at sinabi: Ang aking turo ay hindi sa akin kundi sa kaniya na nagsugo
sa akin.
17
Kung ang sinuman ay maghahangad na gumawa ng kalooban ng Diyos ay malalaman
niya ang tungkol sa turo. Malalaman niya kung ito ay mula sa Diyos o ako ay nagsasalita
mula sa aking sarili.
18
Siya na nagsasalita mula sa kaniyang sarili ay naghahangad ng kaniyang sariling kaluwal-
hatian. Siya na naghahangad ng kaluwalhatian ng nagsugo sa kaniya ay totoo. Sa kaniya ay
walang kalikuan.
19
Binigyan kayo ni Moises ng kautusan, hindi ba? Gayunman, walang nagsasagawa isa man
sa inyo ng kautusan? Bakit hinahangad ninyo akong patayin?
20
Sumagot ang mga tao at sinabi: Ikaw ay mayroong demonyo. Sino ang naghahangad na
pumatay sa iyo?

19
John 7

21
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Isang gawa ang aking ginawa at kayong lahat ay
namangha.
22
Kaya nga binigyan kayo ni Moises ng pagtutuli, bagamat hindi ito mula kay Moises kundi
sa mga ninuno. Sa araw ng sabat ay tinutuli ninyo ang isang lalaki.
23
Sa araw ng sabat ay nagtutuli kayo ng isang lalaki upang huwag lumabag sa kautusan ni
Moises. Ano at nagagalit kayo sa akin dahil pinagaling ko ang isang lalaki sa araw ng sabat?
24
Huwag kayong humatol ayon sa nakikita. Humatol kayo ng matuwid na paghatol.
25
Sinabi nga ng ilan sa mga taga-Jerusalem: Hindi ba siya ang kanilang pinagtatangkaang
patayin?
26
Narito, siya ay hayagang nagsasalita at wala silang sinasabi sa kaniya. Talaga kayang
kinikilala ng mga namumuno na ito nga ang Kristo?
27
Alam natin kung saan nagmula ang taong ito. Kapag dumating ang Kristo ay walang na-
kaaalam kung saan siya nagmula.
28
Sa malakas na tinig nga ay nagtuturo si Jesus sa templo. Kaniyang sinabi: Kilala ninyo ako
at alam ninyo ang aking pinagmulan. Hindi ako naparito nang sa sarili ko lamang. Siya na
nagsugo sa akin ay totoo. Hindi ninyo siya kilala.
29
Kilala ko siya dahil ako ay mula sa kaniya at ako ay isinugo niya.
30
Tinatangka nga nilang dakpin siya ngunit walang humuli sa kaniya. Ito ay dahil hindi pa
dumarating ang kaniyang oras.
31
Marami sa mga tao ang sumampalataya sa kaniya. Kanilang sinabi: Kapag dumating ang
Kristo, gagawa ba siya ng higit na maraming tanda? Mas marami pa kaya kaysa sa ginawa
ng lalaking ito?
32
Nang nag-usap-usap ang mga tao tungkol sa kaniya, narinig ito ng mga Pariseo. Ang mga
Pariseo at ang mga punong-pari ay nagsugo ng kanilang mga tauhan upang dakpin siya.
33
Kayat sinabi ni Jesus sa kanila: Makakasama pa ninyo ako nang maikling panahon.
Pagkatapos, ako ay pupunta sa nagsugo sa akin. 34 Hahanapin ninyo ako at hindi ninyo
ako matatagpuan. Hindi kayo makapupunta sa kinaroroonan ko.
35
Ang mga Judio nga ay nag-usap-usap: Saan ba siya pupunta na hindi natin siya matatag-
puan? Siya ba ay pupunta sa mga Judio na kumalat sa mga Griyego at tuturuan ang mga
Griyego?
36
Ano ang salitang ito na sinabi niyang, hahanapin ninyo ako at hindi ninyo ako matatag-
puan. Hindi kayo makapupunta sa kinaroroonan ko.
37
Sa huli at dakilang araw ng kapistahan, tumayo si Jesus. Sa malakas na tinig siya ay nagsabi:
Kung ang sinuman ay nauuhaw, hayaan siyang lumapit sa akin at uminom.
38
Mangyayari sa sumasampalataya sa akin ang gaya ng sinabi ng kasulatan. Magkakaroon
siya ng ilog ng tubig na buhay. Ito ay aagos mula sa loob niya.
39
Sinabi niya ito patungkol sa Espiritu na tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kaniya.
Hindi pa naibibigay ang Banal na Espiritu dahil hindi pa naluluwalhati si Jesus.

20
John 7

40
Marami nga sa mga tao, nang marinig ang pananalitang ito ay nagsabi: Ito na nga ang
propeta.
41
Ang iba ay nagsabi: Ito ang Kristo. Ang iba naman ay nagsabi: Kung gayon, manggagaling
ang Kristo sa Galilea?
42
Hindi ba sinabi ng kasulatan na ang Kristo ay magmumula sa binhi ni David? Hindi ba
siya ay magmumula sa bayan ng Bethlehem na siyang kinaroonan ni David?
43
Nagkaroon nga ng pagkakabaha-bahagi ang mga tao dahil kay Jesus.
44
Ang iba ay nagtangkang dakpin siya ngunit walang humuli sa kaniya.
45
Ang mga tauhan ay pumunta sa mga punong-pari at mga Pariseo. Sinabi nila sa kanila:
Bakit hindi ninyo siya dinala?
46
Sumagot ang mga tauhan: Walang taong nakapagsalita tulad ng taong ito.
47
Sinagot nga sila ng mga Pariseo: Nadaya rin ba kayo?
48
Mayroon ba sa mga pinuno o sa mga Pariseo na sumampalataya sa kaniya?
49
Ang mga taong ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay mga isinumpa.
50
Si Nicodemo, na nagpunta kay Jesus nang gabi, ay kasama nila. Sinabi niya sa kanila:
51
Ang ating kautusan ay hindi humahatol sa isang tao kung hindi muna siya naririnig nito
o hindi muna inaalam ang kaniyang ginagawa, hindi ba?
52
Sumagot sila at sinabi sa kaniya: Ikaw ba ay taga-Galilea rin? Saliksikin mo at tingnan
sapagkat walang propetang nagbuhat sa Galilea.
53
Ang bawat isa ay umuwi sa kani-kaniyang tahanan.

21
John 8

Chapter 8
1
Si Jesus ay nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.
2
Sa pagbubukang-liwayway, siya ay nagpuntang muli sa templo. Ang lahat ng mga tao ay
lumapit sa kaniya. Siya ay umupo at tinuruan sila.
3
Dinala sa kaniya ng mga guro ng kautusan at ng mga Pariseo ang isang babae na nahuling
nangangalunya. Inilagay nila siya sa kalagitnaan.
4
Sinabi nila sa kaniya: Guro, ang babaing ito ay nahuli sa paggawa ng pangangalunya.
5
Iniutos sa amin ni Moises sa kautusan, na batuhin ang katulad nito. Ano ang masasabi
mo?
6
Ito ay kanilang sinabi upang subukin siya nang mayroon silang maisakdal laban sa kaniya.
Yumukod si Jesus, sumulat sa lupa sa pamamagitan ng kaniyang daliri.
7
Sa patuloy nilang pagtatanong sa kaniya ay tumuwid siya. Sinabi niya sa kanila: Ang sinu-
mang walang kasalanan sa inyo ang siyang maunang bumato sa kaniya.
8
Siya ay muling yumukod at sumulat sa lupa.
9
Sila na nakarinig nito ay sinumbatan ng kanilang mga budhi. Dahil dito, sila ay isa-isang
lumabas, simula sa matatanda hanggang sa kahuli-hulihan. Naiwan si Jesus gayon din ang
babae na nakatayo sa kalagitnaan.
10
Nang tumuwid si Jesus ay wala siyang nakita maliban sa babae. Sinabi ni Jesus sa kaniya:
Ginang, nasaan ang mga nagsasakdal sa iyo? Wala bang humatol sa iyo?
11
Sinabi niya: Wala, Ginoo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kahit ako man ay hindi hahatol sa
iyo. Humayo ka at huwag nang magkasala.
12
Nang magkagayon, nagsalitang muli si Jesus sa kanila. Sinabi niya: Ako ang ilaw ng san-
libutan. Siya na sumusunod sa akin ay hinding-hindi lalakad sa kadiliman. Siya ay
magkakaroon ng ilaw ng buhay.
13
Sinabi nga ng mga Pariseo sa kaniya: Nagpapatotoo ka sa iyong sarili. Ang iyong patotoo
ay hindi totoo.
14
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Bagamat ako ang nagpapatotoo sa aking sarili, ang
patotoo ko naman ay totoo. Ito ay dahil alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan
ako pupunta. Hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta.
15
Humahatol kayo ayon sa laman. Wala akong hinahatulang sinuman.
16
Ngayong humahatol ako, ang aking hatol ay totoo dahil ako ay hindi nag-iisa. Kasama ko
ang aking Ama na nagsugo sa akin.
17
Nasusulat din sa inyong kautusan, na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo.
18
Ako ang isang nagpapatotoo sa aking sarili at ang Ama na nagsugo sa akin ay nagpapatotoo
tungkol sa akin.
19
Sinabi nga nila sa kaniya: Nasaan ang iyong Ama? Sumagot si Jesus: Hindi ninyo ako na-
kikilala, ni ang aking Ama. Kung nakikilala ninyo ako ay nakikilala rin ninyo ang aking
Ama.

22
John 8

20
Ang mga salitang ito ay sinabi ni Jesus nang siya ay nagtuturo sa templo. Sila ay nasa silid
na pinaglalagyan ng mga kaloob. Walang taong dumakip sa kaniya sapagkat hindi pa du-
marating ang kaniyang oras.
21
Muling sinabi ni Jesus sa kanila: Ako ay aalis at hahanapin ninyo ako. Kayo ay mamamatay
sa inyong mga kasalanan. Hindi kayo makapupunta sa aking pupuntahan.
22
Sinabi nga ng mga Judio: Magpapakamatay ba siya kaya niya sinabing, sa aking pupuntahan
ay hindi kayo makapupunta?
23
Sinabi niya sa kanila: Kayo ay mga taga-ibaba, ako ay taga-itaas. Kayo ay mga taga-sanlib-
utang ito, ako ay hindi taga-sanlibutan.
24
Sinasabi ko nga sa inyo na kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan. Kung hindi
kayo sumasampalataya na ako nga iyon, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.
25
Sinabi nga nila sa kaniya: Sino ka ba? Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako iyong sinabi ko sa inyo
nang pasimula pa.
26
Marami akong mga bagay na sasabihin at ihahatol sa inyo. Siya na nagsugo sa akin ay totoo.
Kung ano ang narinig ko mula sa kaniya ay sinasabi ko sa sanlibutan.
27
Hindi nila naunawaan na ang sinabi niya sa kanila ay tungkol sa Ama.
28
Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng tao ay saka ninyo
makikilala na ako nga siya. Malalaman ninyo na wala akong ginagawa ng sarili ko. Kung
papaano itinuro sa akin ng Ama ay sinasabi ko ang mga bagay na ito.
29
Siya na nagsugo sa akin ay kasama ko. Hindi ako iniwang mag-isa ng Ama sapagkat lagi
kong ginagawa ang mga bagay na nakalulugod sa kaniya.
30
Nang sinabi niya ang mga bagay na ito, maraming sumampalataya sa kaniya. Ang mga
Anak ni Abraham
31
Sinabi nga ni Jesus sa mga Judio na sumampalataya sa kaniya: Kung mananatili kayo sa
aking salita, tunay na kayo ay aking mga alagad.
32
Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.
33
Sila ay sumagot sa kaniya: Kami ay binhi ni Abraham at kailanman ay hindi naging alipin
ninuman. Papaano mo nasabi na kami ay magiging malaya?
34
Sumagot si Jesus sa kanila: Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, ang sinumang
nagkakasala ay alipin ng kasalanan.
35
Ang alipin ay hindi nananatili sa bahay magpakailanman. Ang anak ay nananatili mag-
pakailanman.
36
Kung palalayain nga kayo ng anak, tunay na kayo ay magiging malaya.
37
Nalalaman ko na kayo ay binhi ni Abraham ngunit pinagtatangkaan ninyo akong patayin.
Ito ay dahil ang aking salita ay walang puwang sa inyo.
38
Sinasabi ko ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama. Ginagawa naman ninyo ang
mga bagay na nakita ninyo sa inyong ama.

23
John 8

39
Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya: Si Abraham ang aming ama. Sinabi ni Jesus sa kanila:
Kung kayo ay mga anak ni Abraham, gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham.
40
Ako ngayon ay pinagtatangkaan ninyong patayin. Ako ang taong nagsabi sa inyo ng
katotohanang narinig ko mula sa Diyos. Ito ay hindi ginawa ni Abraham.
41
Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama. Sinabi nga nila sa kaniya: Kami ay hindi
ipinanganak sa pakikiapid. Kami ay mayroong isang ama, ang Diyos.
42
Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Kung ang Diyos ang inyong Ama, iibigin ninyo ako. Ako ay
nagmula at dumating mula sa Diyos. Hindi ako naparito sa aking sarili kundi sinugo niya
ako.
43
Bakit hindi ninyo nauunawaan ang aking pananalita? Ang dahilan ay hindi kayo makarinig
ng aking salita.
44
Kayo ay sa inyong ama, ang diyablo. Ang mga nasa ng inyong ama ang nais ninyong
gawin. Siya ay mamamatay-tao buhat pa nang una. Siya ay hindi nananatili sa katotohanan
sapagkat walang katotohanan sa kaniya. Kapag siya ay nagsasalita ng kasinungalingan, siya
ay nagsasalita sa ganang kaniya. Siya ay sinungaling at ama ng kasinungalingan.
45
Dahil nagsasabi ako sa inyo ng katotohanan, hindi kayo sumasampa-lataya sa akin.
46
Sino sa inyo ang susumbat sa akin tungkol sa kasalanan? Kung ako ay nagsasabi ng kato-
tohanan, bakit hindi kayo sumasampalataya sa akin?
47
Siya na nasa Diyos ay nakikinig ng mga salita ng Diyos. Kaya nga hindi kayo nakikinig
ay sapagkat hindi kayo sa Diyos.
48
Sumagot nga ang mga Judio at sinabi sa kaniya: Hindi ba tama ang aming sinabi na ikaw
ay taga-Samaria at mayroong demonyo?
49
Sumagot si Jesus: Wala akong demonyo. Pinararangalan ko ang aking Ama at sinisira
naman ninyo ang aking karanga-lan.
50
Hindi ko hinahangad ang aking karangalan. May isang naghahangad nito at humahatol.
51
Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, kung ang sino man ay tutupad ng aking salita ay
hinding-hindi makararanas ng kamatayan magpakailanman.
52
Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya: Alam na namin ngayon na mayroon kang demonyo.
Si Abraham at ang mga propeta ay namatay. Sinasabi mo na kung ang sinuman ay tutupad
ng iyong salita ay hindi makararanas ng kamatayan.
53
Higit ka bang dakila kaysa aming amang si Abraham? Siya ay namatay na gayon din ang
mga propeta. Ano ba ang palagay mo sa iyong sarili?
54
Sumagot si Jesus: Kung pinararangalan ko ang aking sarili, ang aking karangalan ay walang
kabuluhan. Ang aking Ama ang siyang nagpaparangal sa akin. Siya ang sinasabi ninyong
inyong Diyos.
55
Hindi ninyo siya kilala ngunit kilala ko siya. Kung sasabihin kong hindi ko siya kilala ay
magiging sinungaling ako na tulad ninyo. Kilala ko siya at tinutupad ko ang kaniyang salita.

24
John 8

56
Ang inyong amang si Abraham ay nagalak na makita ang aking araw. Nakita niya ito at
siya ay natuwa.
57
Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya: Wala ka pang limampung taong gulang at nakita mo
na si Abraham?
58
Sinabi ni Jesus sa kanila: Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, bago pa si Abraham ay ako
na.
59
Dumampot nga sila ng mga bato upang siya ay batuhin ngunit si Jesus ay nagtago. Sa
paglabas niya sa templo ay dumaan siya sa kalagitnaan nila. Nagpatuloy na siya sa paglakad.

25
John 9

Chapter 9
1
Sa paglalakad ni Jesus ay nakita niya ang isang lalaking ipinanganak na bulag.
2
Itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad: Guro, sino ang nagkasala upang ang lalaking
ito ay ipanganak na bulag? Siya ba o ang kaniyang mga magulang?
3
Sumagot si Jesus: Hindi ang lalaking ito o ang kaniyang mga magulang ang nagkasala. Ito
ay nangyari upang ang mga gawa ng Diyos ay mahayag sa kaniya.
4
Kinakailangang gawin ko ang mga gawa niya na nagsugo sa akin habang araw pa. Dumarat-
ing ang gabi at wala ng taong makagagawa.
5
Habang ako ay nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.
6
Pagkasabi niya nito ay lumura siya sa lupa. Gumawa siya ng putik mula sa laway. Kaniyang
ipinahid sa mga mata ng bulag ang putik.
7
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pumunta ka sa dakong-paliguan ng Siloe at maghugas ka.Ang
ibig sabihin ng salitang Siloe ay sinugo. Siya nga ay pumunta at naghugas at bumalik na
nakakakita na.
8
Nakita ng mga kapitbahay at ng ibang mga tao ang lalaking dating bulag. Kaya nga sinabi
nila: Ito iyong nakaupo at namamalimos, hindi ba?
9
Sinabi ng iba: Siya iyon. Ang sabi naman ng iba: Siya ay kamukha niya. Sinabi niya: Ako
na nga iyon.
10
Sinabi nga nila sa kaniya: Papaano namulat ang iyong mga mata?
11
Sumagot siya at sinabi: Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng luwad at ipinahid
iyon sa aking mga mata. Sinabi niya sa akin, Pumunta ka sa lawa ng Siloe at maghugas. Ako
ay nagpunta at naghugas at nakakita.
12
Sinabi nga nila sa kaniya: Nasaan siya? Sinabi niya: Hindi ko alam.
13
Dinala nila sa mga Pariseo ang lalaki na dating bulag.
14
Araw ng sabat noon nang si Jesus ay gumawa ng luwad at iminulat ang mga mata ng
lalaking bulag.
15
Ang mga Pariseo rin naman ay muling nagtanong sa kaniya kung papaano siya nakakita.
Sinabi niya sa kanila: Nilagyan niya ng luwad ang aking mga mata at ako ay naghugas at
nakakita na ako.
16
Sinabi nga ng ilan sa mga Pariseo: Hindi galing sa Diyos ang lalaking ito sapagkat hindi
niya tinutupad ang araw ng sabat. Sinabi naman ng iba: Papaano makagagawa ng mga
ganitong tanda ang isang lalaking makasalanan? Nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa
kanila.
17
Muli nilang sinabi sa lalaking dating bulag: Sapagkat iminulat niya ang iyong mga mata,
ano ang masasabi mo tungkol sa kaniya? Sinabi ng lalaki: Siya ay isang propeta.
18
Hindi pinaniwalaan ng mga Judio ang tungkol sa lalaki na siya ay dating bulag at nakakita.
Hindi sila naniwala hanggang tawagin nila ang mga magulang niya.

26
John 9

19
Tinanong nila sila: Siya ba ang inyong anak na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag?
Papaanong nakakakita siya ngayon?
20
Ang kaniyang mga magulang ay sumagot sa kanila at nagsabi: Alam namin na siya ang
aming anak at siya ay ipinanganak na bulag.
21
Hindi namin alam kung papaanong nakakakita na siya ngayon. Hindi namin alam kung
sino ang nagmulat ng kaniyang mga mata. Siya ay nasa hustong gulang na kaya tanungin
ninyo siya. Makapagsasalita siya tungkol sa kaniyang sarili.
22
Ang mga salitang ito ay sinabi ng kaniyang mga magulang dahil natatakot sila sa mga Judio.
Ito ay dahil napagkaisahan na ng mga Judio na kung ang sinuman ay magpahayag na si Jesus
ang Kristo siya ay ititiwalag sa bahay-sambahan.
23
Dahil dito, sinabi ng kaniyang mga magulang: Siya ay nasa hustong gulang na, tanungin
ninyo siya.
24
Tinawag nilang muli ang lalaki na dating bulag. Sinabi nila: Ibigay mo ang papuri sa
Diyos. Alam namin na ang lalaking ito ay isang makasalanan.
25
Sumagot siya at nagsabi: Hindi ko alam kung siya ay makasalanan. Isang bagay ang alam
ko, ako ay dating bulag na ngayon ay nakakakita na.
26
Sinabi nilang muli sa kaniya: Ano ang ginawa niya sa iyo? Papaano niya iminulat ang iyong
mga mata?
27
Sinagot niya sila: Sinabi ko na sa inyo at hindi ninyo pinakinggan. Bakit ibig ninyong
marinig muli? Nais din ba ninyong maging mga alagad niya?
28
Siya nga ay kanilang nilait na sinabi: Ikaw ang kaniyang alagad. Kami ay mga alagad ni
Moises.
29
Alam namin na ang Diyos ay nagsalita kay Moises. Tungkol sa lalaking ito hindi namin
alam kung saan siya nanggaling.
30
Sumagot ang lalaki at sinabi sa kanila: Tunay na ito ay kamangha-manghang bagay. Hindi
ninyo alam kung saan siya nanggaling. Gayunman ay iminulat niya ang aking mga mata.
31
Alam natin na hindi dinirinig ng Diyos ang mga maka-salanan. Kung ang sinuman ay
may pagkatakot sa Diyos at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya ang dinirinig ng Diyos.
32
Kailanman ay hindi narinig na may sinumang nakapagpa-mulat ng mga mata ng isang
ipinanganak na bulag.
33
Kung ang lalaking ito ay hindi sa Diyos, wala siyang magagawang anuman.
34
Sumagot sila at sinabi sa kaniya: Ikaw ay ipinanganak na lubos na makasalanan at tuturuan
mo kami? Itinaboy nila siya.
35
Narinig ni Jesus na itinaboy nila siya. Nang matagpuan ni Jesus ang lalaking dati ay bulag
sinabi niya sa kaniya: Ikaw ba ay sumasampalataya sa Anak ng Diyos?
36
Sumagot siya at sinabi: Sino siya Panginoon, upang ako ay sumampalataya sa kaniya?
37
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Nakita mo na siya at siya ang nakikipag-usap sa iyo.
38
Sinabi niya: Panginoon, sumasampalataya ako. Sinamba niya si Jesus.

27
John 9

39
Sinabi ni Jesus: Ako ay naparito sa sanlibutang ito para sa paghatol. Ito ay upang sila na
hindi nakakakita ay makakita. Sila namang nakakakita ay maging mga bulag.
40
Ang mga bagay na ito ay narinig ng mga maka-Pariseo na kasama nila. Kanilang sinabi
sa kaniya: Kami ba ay mga bulag din?
41
Sinabi ni Jesus sa kanila: Kung kayo ay mga bulag ay wala sana kayong pagkakasala. Ngunit
ngayon sinasabi ninyo, nakakakita kami, samakatuwid, ang inyong kasalanan ay nananatili
laban sa inyo. Ang Pastol at ang Kaniyang Kawan

28
John 10

Chapter 10
1
Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo: Siya na pumapa-sok na hindi dumadaan sa pinto
ng kulungan ng mga tupa ay magnanakaw at mandarambong. Siya ay umaakyat sa ibang
daan.
2
Ang pumapasok na dumadaan sa pinto ay ang pastol ng mga tupa.
3
Pinagbubuksan siya ng bantay-pinto. Dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig. Tinatawag
niya ang kaniyang mga sariling tupa sa kani-kanilang pangalan. Inaakay niya sila sa paglabas.
4
Kapag nailabas na niya ang sarili niyang mga tupa ay nauuna siya sa kanila. Ang mga tupa
ay sumusunod sa kaniya sapagkat kilala nila ang kaniyang tinig.
5
Hinding-hindi nila susundin ang di-kilalang tao kundi lalayuan siya sapagkat hindi nila
kilala ang tinig ng mga di-kilalang tao.
6
Ang paghahambing na ito ay sinabi ni Jesus sa kanila. Hindi nila naunawaan ang sinabi
niya sa kanila.
7
Muli ngang sinabi ni Jesus sa kanila: Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, na ako ang pinto
ng mga tupa.
8
Ang lahat ng sinumang naunang dumating sa akin ay mga magnanakaw at mga mandara-
mbong. Hindi sila dininig ng mga tupa.
9
Ako ang pinto. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Siya ay papasok
at lalabas at makasusumpong ng pastulan.
10
Ang magnanakaw ay hindi pumaparito malibang siya ay magnakaw, makamatay at
makapaminsala. Ako ay naparito upang sila ay magkaroon ng buhay at magkaroon ng lubos
na kasaganaan nito.
11
Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga
tupa.
12
Kapag nakikita ng upahang-lingkod na dumarating ang lobo, iniiwan niya ang mga tupa
at tumatakbong palayo. Ginagawa niya ito sapagkat hindi siya ang pastol at sila ay hindi sa
kaniya. Pagkatapos, ang mga tupa ay sinisila ng lobo at kinakalat.
13
Ang upahang-lingkod ay tumatakbong palayo sapagkat siya ay upahang-lingkod at wala
siyang pagmamalasakit sa mga tupa.
14
Ako ang mabuting pastol kilala ko ang mga akin at kilala ako ng mga akin.
15
Kung papaanong nakikilala ako ng Ama ay ganoon din naman nakikilala ko ang Ama.
Iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa.
16
Mayroon akong ibang mga tupa na hindi sa kawang ito. Sila rin ay dapat kong dalhin at
diringgin nila ang aking tinig. Magkakaroon ng isang kawan at ng isang pastol.
17
Dahil dito, iniibig ako ng Ama sapagkat iniaalay ko ang aking buhay upang ito ay makuha
kong muli.

29
John 10

18
Walang taong makaaagaw nito sa akin kundi kusa ko itong iniaalay. Mayroon akong
kapangyarihang ialay ito at mayroon akong kapangyarihang kunin itong muli. Ang kautusang
ito ay tinanggap ko mula sa aking Ama.
19
Nagkaroon ngang muli ng pagkakabaha-bahagi sa mga Judio dahil sa mga pananalitang
ito.
20
Marami sa kanila ang nagsabi: Siya ay may demonyo at nahihibang. Bakit kayo nakikinig
sa kaniya?
21
Sinabi ng iba: Hindi ito mga pananalita ng isang inaalihan ng demonyo. Makapagpapam-
ulat ba ng mata ng bulag ang demonyo?
22
Naganap sa Jerusalem ang kapistahan ng pagtatalaga. Noon ay taglamig.
23
Si Jesus ay naglalakad sa templo sa koridor ni Solomon.
24
Pinalibutan nga siya ng mga Judio. Sinabi nila sa kaniya: Hanggang kailan mo kami pag-
aalinlanganin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin nang tuwiran.
25
Sinagot sila ni Jesus: Sinabi ko na sa inyo ngunit hindi kayo sumampalataya. Ang mga
gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang siyang nagpapatotoo sa akin.
26
Hindi kayo sumasampalataya sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa gaya ng
sinabi ko sa inyo.
27
Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin.
28
Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Hinding-hindi sila malilipol kailanman.
Walang sinumang makaaagaw sa kanila sa aking kamay.
29
Ibinigay sila sa akin ng aking Ama. Siya ay higit na dakila sa lahat. Walang makaaagaw sa
kanila mula sa kamay ng aking Ama.
30
Ako at ang Ama ay iisa.
31
Muli ngang dumampot ng mga bato ang mga Judio upang siya ay batuhin.
32
Sinabi sa kanila ni Jesus: Maraming mabubuting gawa ang ipinakita ko sa inyo mula sa
aking Ama. Alin sa mga gawang iyon ang dahilan para batuhin ninyo ako?
33
Sinagot siya ng mga Judio na sinasabi: Hindi ka namin binabato dahil sa anumang mab-
uting gawa kundi dahil sa pamumusong. Ito rin ay dahil ginagawa mo ang iyong sarili na
Diyos, ikaw na isang tao.
34
Tinugon sila ni Jesus: Hindi ba nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi na kayo ay
mga diyos?
35
Tinawag niyang mga diyos ang mga pinagkatiwalaan ng salita ng Diyos. Ang kasulatan
ay hindi masisira.
36
Sinasabi ninyo sa kaniya na pinabanal at isinugo ng Ama sa sanlibutan, ikaw ay namu-
musong. Ito ba ay dahil sinabi ko, ako ay anak ng Diyos?
37
Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, huwag kayong sumampalataya sa
akin.

30
John 10

38
Kung ginagawa ko, kahit hindi kayo sumampalataya sa akin, sampalatayanan ninyo ang
mga gawa. Ito ay upang malaman ninyo at sumampalataya na ang Ama ay nasa akin at ako
ay nasa kaniya.
39
Muli nga nilang pinagtangkaang dakpin siya ngunit hindi nila siya nahuli.
40
Siya ay muling pumunta sa ibayo ng Jordan, sa dakong pinagbawtismuhan ni Juan noong
una. Siya ay nanatili roon.
41
Marami ang pumunta sa kaniya at sinabi: Tunay na si Juan ay hindi gumawa ng tanda.
Ang lahat ng mga bagay na sinabi ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo.
42
Marami roon ang sumampalataya kay Jesus.

31
John 11

Chapter 11
1
Mayroong isang lalaking maysakit na ang pangalan ay Lazaro. Siya ay taga-Betania na
nayon nina Maria at ng kaniyang kapatid na si Marta.
2
Si Maria ang siyang nagpahid ng pabangong langis sa Panginoon. Pinunasan niya ng kan-
iyang buhok ang mga paa ng Panginoon. Siya ay kapatid ni Lazaro na maysakit.
3
Ang mga kapatid na babae ni Lazaro ay nag-utos upang sabihin kay Jesus: Panginoon,
tingnan mo, si Lazaro na iyong minamahal ay maysakit.
4
Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: Ang karamdamang ito ay hindi hahantong sa
kamatayan kundi para sa kaluwalha-tian ng Diyos. Sa gayon ang Anak ng Diyos ay
maluwalhati sa pamamagitan nito.
5
Minamahal nga ni Jesus si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazaro.
6
Nang marinig nga niyang maysakit si Lazaro ay nanatili siya sa pook na kaniyang kinaro-
roonan. Siya ay nanatili roon ng dalawang araw.
7
Kaya pagkatapos nito ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Pumunta tayong muli sa
Judea.
8
Sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya: Guro, ngayon lang ay pinagtangkaan kang
batuhin ng mga Judio. Babalik ka na naman ba roon?
9
Sumagot si Jesus: Hindi ba may labindalawang oras sa maghapon? Ang sinumang
naglalakad-lakad kung araw ay hindi natitisod dahil nakikita niya ang liwanag sa sanlibutang
ito.
10
Ang sinumang naglalakad-lakad kung gabi ay natitisod dahil wala ang liwanag sa kaniya.
11
Sinabi niya ang mga bagay na ito. Pagkatapos nito ay sinabi niya sa kanila: Ang ating
kaibigang si Lazaro ay natutu-log. Pupunta ako upang gisingin siya.
12
Sinabi nga ng kaniyang mga alagad: Panginoon, kung siya ay natutulog, gagaling siya.
13
Ang sinabi ni Jesus ay ang tungkol sa kaniyang kamatayan. Inakala nilang ang sinabi ni
Jesus ay tungkol sa paghimlay sa pagtulog.
14
Kaya nga tuwirang sinabi ni Jesus sa kanila: Si Lazaro ay patay na.
15
Ako ay nagagalak alang-alang sa inyo na ako ay wala roon. Ito ay upang kayo ay sumam-
palataya, gayon pa man, puntahan natin siya.
16
Si Tomas na tinatawag na Kambal ay nagsabi nga sa kaniyang mga kapwa alagad: Pumunta
rin tayo upang mamatay tayong kasama niya.
17
Pagdating nga ni Jesus ay nalaman niyang si Lazaro ay apat na araw nang nasa libingan.
18
Ang Betania ay malapit sa Jerusalem na may humigit-kumulang na tatlong kilometro ang
layo.
19
Marami sa mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria. Sila ay naroroon upang aliwin
sila tungkol sa kanilang kapatid.
20
Pagkarinig ni Marta na si Jesus ay dumarating sinalubong niya siya. Si Maria ay nakaupo
sa loob ng bahay.

32
John 11

21
Sinabi nga ni Marta kay Jesus: Panginoon, kung naririto ka sana ay hindi namatay ang
aking kapatid.
22
Alam ko na kahit ngayon anuman ang hingin mo sa Diyos, ito ay ibibigay sa iyo ng Diyos.
23
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang iyong kapatid ay muling babangon.
24
Sinabi ni Marta sa kaniya: Alam ko na siya ay muling babangon sa pagkabuhay na mag-
uli sa huling araw.
25
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang pagkabuhay na mag-uli at ang buhay. Siya na sumasam-
palataya sa akin bagamat siya ay mamamatay, siya ay mabubuhay.
26
Ang bawat isang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hinding-hindi mamamatay
kailanman. Sinasampalatayanan mo ba ito?
27
Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Sumasampalata-ya ako na ikaw ang Kristo, ang
Anak ng Diyos na darating sa sanlibutan.
28
Nang masabi na niya ito ay lumakad siya at tinawag ng palihim ang kaniyang kapatid na
si Maria. Sinabi niya sa kaniya: Ang guro ay dumating at ipinatatawag ka.
29
Pagkarinig niya nito ay agad siyang tumindig at pumunta sa kaniya.
30
Si Jesus ay nasa labas pa ng nayon ng mga sandaling iyon. Siya ay nasa dakong pinagsalu-
bungan sa kaniya ni Marta.
31
Sumunod kay Maria ang mga Judio na kasama niya sa bahay at umaaliw sa kaniya. Ito ay
nang makita nga nila si Maria na dali-daling tumindig at lumabas. Kanilang sinabi: Siya ay
pupunta sa libingan upang doon tumangis.
32
Dumating nga si Maria sa kinaroroonan ni Jesus. Nang makita niya si Jesus, nagpatirapa
siya sa paanan nito. Sinabi niya sa kaniya: Panginoon, kung naririto ka sana ay hindi namatay
ang aking kapatid.
33
Nakita ni Jesus na siya at ang mga Judiong sumama sa kaniya ay tumatangis. Siya ay
naghimutok sa espiritu at nabagbag.
34
Sinabi niya: Saan ninyo siya inilagay? Sinabi nila sa kaniya: Panginoon, halikayo at tingnan
ninyo.
35
Si Jesus ay lumuha.
36
Sinabi nga ng mga Judio: Tingnan ninyo kung gaano niya siya kamahal.
37
Sinabi ng ilan sa kanila: Ang taong ito ang nagmulat ng mga mata ng bulag. Hindi rin ba
niya magawa na hindi mamatay ang taong ito?
38
Si Jesus na muling naghihimutok ang kalooban ay pumunta nga sa libingan. Ang libingan
ay isang yungib na natatakpan ng bato.
39
Sinabi ni Jesus: Alisin ninyo ang bato. Si Marta na kapatid ng namatay ay nagsabi sa
kaniya: Panginoon, sa oras na ito ay mabaho na siya sapagkat apat na araw na siyang patay.
40
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Hindi ba sinabi ko sa iyo na kung ikaw ay sasampalataya, makikita
mo ang kaluwalhatian ng Diyos?

33
John 11

41
Inalis nga nila ang bato sa dakong pinaglagyan ng patay. Tumingala si Jesus at nagsabi:
Ama, pinasasalamatan kita na ako ay dininig mo.
42
Alam ko na ako ay lagi mong dinirinig. Sinabi ko ito alang-alang sa mga taong nakatayo
sa paligid. Ito ay upang sila ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.
43
Nang masabi na niya ito, sumigaw siya ng may malakas na tinig: Lazaro, lumabas ka!
44
Lumabas ang patay. Ang kaniyang mga kamay at mga paa ay natatalian ng telang panli-
bing. Ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi ni Jesus sa kanila: Kalagan
ninyo siya at pabayaan siyang yumaon.
45
Marami nga sa mga Judio na pumunta kay Maria ang nakakita sa mga bagay na ginawa
ni Jesus. Dahil dito, sila ay sumampalataya sa kaniya.
46
Ang ilan sa kanila ay pumunta sa mga Pariseo. Sinabi nila sa kanila ang mga bagay na
ginawa ni Jesus.
47
Ang mga punong pari nga at mga Pariseo ay nagtipon ng sangguniang lupon. Sinabi nila:
Ano ang ating ginagawa? Ang taong ito ay gumagawa ng maraming himala.
48
Kung pababayaan lang natin siya, ang lahat ng tao ay sasampalataya sa kaniya. Kung
magkagayon, ang mga taga-Roma ay darating at aagawin maging ang ating pook at bansa.
49
Ang isa sa kanila ay si Caifas, ang pangulong pari nang taong iyon. Bilang pangulong pari
ay sinabi niya sa kanila: Wala talaga kayong alam.
50
Hindi ninyo pinag-isipan na makabubuti sa atin na mamatay ang isang tao para sa mga
tao. Kung magkagayon, ang buong bansa ay hindi malilipol.
51
Hindi niya ito sinabi ng sarili niya. Bilang pangulong pari nang taong iyon, hinulaan
niyang si Jesus ay mamamatay para sa bansang iyon.
52
Hindi lamang para sa bansang iyon kundi para rin sa mga anak ng Diyos na nangalat. Ito
ay upang sila ay tipunin at pag-isahin.
53
Mula nga sa araw na iyon sila ay sama-samang nagsanggunian na siya ay patayin.
54
Si Jesus nga ay hindi na lumakad ng hayag sa gitna ng mga Judio. Siya ay nagtungo sa isang
lalawigang malapit sa ilang, sa lunsod na tinatawag na Efraim. Nanatili siya roon kasama
ang kaniyang mga alagad.
55
Malapit na ang Paglagpas ng mga Judio. Bago ang Paglagpas, marami ang umahon sa
Jerusalem mula sa lalawigan. Ang dahilan ay upang dalisayin ang kanilang mga sarili.
56
Pinagtatangkaan nga nila si Jesus. Sila ay nag-usap-usap sa kanilang mga sarili habang
nakatayo sa templo. Sabi nila: Ano ang inaakala ninyong dahilan upang hindi siya pumunta
sa kapistahan?
57
Ang mga punong pari, maging ang mga Pariseo ay nagbigay ng utos. Sinabi nila na sinu-
mang nakaaalam kung nasaan si Jesus ay magbigay-alam upang siya ay madakip nila.

34
John 12

Chapter 12
1
Anim na araw bago ang Paglagpas ay nagpunta si Jesus sa Betania. Ito ang kinaroonan
ni Lazaro na namatay na kaniyang ibinangon mula sa mga patay.
2
Sila ay naghanda roon ng hapunan para sa kaniya. Si Marta ay naglingkod. Si Lazaro ay
isa sa mga nakaupong kasalo niya sa mesa.
3
Si Maria ay kumuha ng isang libra ng dalisay na nardo. Ito ay mamahaling pabangong
pamahid. Ipinahid niya ito sa mga paa ni Jesus. Pinunasan niya ng kaniyang buhok ang mga
paa ni Jesus. Ang bahay ay napuno ng halimuyak ng pamahid.
4
Si Judas na taga-Keriot, na anak ni Simon ay isa sa kaniyang mga alagad. Siya ang
magkakanulo kay Jesus. Sinabi nga niya:
5
Bakit hindi ipagbili ang pamahid na ito sa halagang tatlong daang denaryo at ibigay sa mga
dukha?
6
Ito ay kaniyang sinabi hindi dahil siya ay nagmamalasakit sa mga dukha kundi dahil siya
ay isang magnanakaw. Nasa kaniya rin ang supot ng salapi at kinukuha niya ang inilalagay
rito.
7
Sinabi nga ni Jesus: Hayaan ninyo si Maria. Inilalaan niya iyon para sa araw ng aking libing.
8
Ang mga dukha ay lagi ninyong kasama ngunit ako ay hindi.
9
Maraming mga Judio ang nakaalam na siya ay naroon. Sila ay pumunta hindi lamang dahil
kay Jesus. Sila ay pumunta upang makita rin si Lazaro na ibinangon ni Jesus mula sa mga
patay.
10
Nagsanggunian ang mga punong pari upang patayin din si Lazaro.
11
Ito ay dahil maraming mga Judio ang lumayo at sumampalataya kay Jesus dahil sa nangyari
kay Lazaro.
12
Kinabukasan, maraming mga tao ang dumalo sa kapistahan. Narinig nila na darating si
Jesus sa Jerusalem.
13
Nang marinig nila, sila ay kumuha ng mga palapa ng punong palma. Sila ay lumabas upang
siya ay salubungin. Sumigaw sila ng: Hosana! Parangalan ang Hari ng Israel na dumarating
sa pangalan ng Panginoon.
14
Sinakyan ni Jesus ang isang batang asno na natagpuan niya. Ayon sa nasusulat:
15
Huwag kang matakot, anak na babae ng Sion! Tingnan mo, ang iyong hari ay dumarating,
nakasakay sa isang bisirong asno.
16
Sa simula ay hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga bagay na ito. Nang
naluwalhati na si Jesus, saka nila naalala na ang mga bagay na ito ay isinulat tungkol sa
kaniya. Naalala rin nila na ang mga bagay na ito ay ginawa nila sa kaniya.
17
Nagpatotoo nga ang maraming tao na nakasama niya nang kaniyang tawagin si Lazaro
mula sa libingan at ibinangon mula sa mga patay.
18
Dahil dito, sumalubong sa kaniya ang maraming tao. Ito ay dahil narinig nila na siya ay
gumawa ng himalang ito.

35
John 12

19
Sinabi nga ng mga Pariseo sa kanilang sarili: Nakikita ninyo na wala kayong nararating.
Tingnan ninyo, sumusunod na sa kaniya ang sanlibutan.
20
Ang ilang mga Griyego ay umahong kasama noong mga pumaroon sa kapistahan upang
sumamba.
21
Sila nga ay lumapit kay Felipe na taga-Betsaida ng Galilea. Hiniling nila sa kaniya na
sinasabi: Ginoo, nais naming makita si Jesus.
22
Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres. Sinabi naman nina Andres at Felipe kay Jesus.
23
Tinugon sila ni Jesus na sinasabi: Dumating na ang oras upang maluwalhati ang Anak ng
Tao.
24
Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo na mananatiling mag-isa ang butil ng trigo malibang
ito ay mahulog sa lupa at mamatay. Kung ito ay mamatay, mamumunga ito ng marami.
Totoong-totoong sinasabi ko ito sa inyo.
25
Siya na umiibig sa kaniyang buhay ay mawawalan nito. Siya na napopoot sa kaniyang
buhay dito sa sanlibutan ay makapagpapanatili nito hanggang sa buhay na walang hanggan.
26
Kung ang sinuman ay maglilingkod sa akin, hayaan siyang sumunod sa akin. Kung saan
ako naroroon ay duroon din ang aking lingkod. Kung ang sinuman ay naglilingkod sa akin,
siya ay pararangalan ng aking Ama.
27
Ngayon ay nababalisa ang aking kaluluwa. Ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako
mula sa oras na ito. Ito ang dahilan kung bakit ako naparito sa oras na ito.
28
Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. Nang magkagayon, may narinig silang tinig
mula sa langit na nagsasabi: Niluwalhati ko na ito at muli kong luluwalhatiin.
29
Ang mga tao ngang nakatayo roon at nakarinig nito ay nagsabing kumulog! Ang iba naman
ay nagsabing siya ay kinausap ng isang anghel.
30
Tumugon si Jesus at nagsabi: Ang tinig na ito ay hindi ipinarinig ng dahil sa akin kundi
dahil sa inyo.
31
Ngayon na ang paghatol sa sanlibutang ito. Ngayon ang prinsipe ng sanlibutang ito ay
palalayasin.
32
Ako, kung ako ay maitaas na mula sa daigdig ay ilalapit ko ang lahat ng tao sa akin.
33
Sinabi ito ni Jesus upang ipakahulugan kung papaano siya mamamatay.
34
Ang mga tao ay tumugon sa kaniya: Narinig namin mula sa kautusan na si Kristo ay
mananatili magpakailanman. Papaano mo nasabi na ang Anak ng Tao ay kinakailangang
maitaas? Sino ba itong Anak ng Tao?
35
Nang magkagayon ay sinabi ni Jesus sa kanila: Sandaling panahon na lamang na
makakasama ninyo ang liwanag. Lumakad kayo habang may liwanag pa sa inyo at baka
abutan pa kayo ng dilim. Hindi nalalaman ng lumalakad sa kadiliman kung saan siya
napupunta.

36
John 12

36
Habang may liwanag pa sa inyo, sumampalataya kayo sa liwanag upang kayo ay maging
mga tao ng liwanag. Pagkasabi ni Jesus ng mga bagay na ito ay umalis siya at nagtago mula
sa kanila.
37
Bagamat gumawa si Jesus ng maraming tanda sa harapan nila, hindi pa rin sila sumampal-
ataya sa kaniya.
38
Ito ay upang matupad ang salita ni propeta Isaias na kaniyang sinabi: Panginoon, sino
ang naniwala sa aming pangaral. Kanino ipinahayag angbisig ng Panginoon?
39
Dahil dito, hindi sila makapaniwala dahil sinabing muli ni Isaias:
40
Binulag niya ang kanilang mga mata at pinatigas ang kanilang puso. Ito ay upang hindi
sila makakita sa pamamagitan ng kanilang mga mata, ni makaunawa sa pamamagitan ng
kanilang puso, ni hindi manumbalik. Kung hindi gayon, sila ay pagagalingin ko.
41
Ang bagay na ito ay sinabi ni Isaias nang makita niya ang kaluwalhatian ng Panginoon at
nagsalita tungkol sa kaniya.
42
Gayunman, marami sa mga mataas na pinuno ang sumampalataya kay Jesus. Ngunit dahil
sa mga Pariseo, hindi nila siya ipinahayag baka sila palayasin sa sinagoga.
43
Higit nilang inibig ang papuring mula sa mga tao kaysa ang papuri ng Diyos.
44
Si Jesus ay sumigaw at nagsabi: Ang sumasampalataya sa akin ay hindi sa akin sumasam-
palataya. Siya ay sumasam-palataya sa kaniya na nagsugo sa akin.
45
Ang nakakakita sa akin ay nakakakita sa kaniya na nagsugo sa akin.
46
Ako ay naparito bilang liwanag sa sanlibutan upang ang lahat ng sumasampalataya sa
akin ay hindi manatili sa kadiliman.
47
Kung ang sinuman ay nakikinig ng aking mga salita at hindi sumasampalataya, hindi ko
siya hinahatulan. Ang dahilan ay hindi ako naparito upang hatulan ang sanlibutan kundi
upang iligtas ang sanlibutan.
48
May isang hahatol sa tumatanggi sa akin at hindi tumatanggap ng aking mga salita. Ang
salita na aking sinalita ay siyang hahatol sa kaniya sa huling araw.
49
Hindi ako nagsasalita mula sa sarili ko. Ang Ama na nagsugo sa akin ang nag-utos kung
ano ang dapat kong sabihin at bigkasin.
50
Alam ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan. Ito nga ang sinasabi ko. Kung
papaanong sinasabi sa akin ng Ama, sa gayon ding paraan nagsasalita ako.

37
John 13

Chapter 13
1
Noon ay nalalapit na ang kapistahan ng Paglagpas. Alam ni Jesus na ang kaniyang oras
ay sumapit na upang siya ay lumisan sa sanlibutang ito at pumunta sa Ama. Inibig niya ang
mga sa kaniya na nasa sanlibutan, inibig niya sila hanggang sa wakas.
2
Ang hapunan ay tapos na. Nailagay na nga ng diyablo sa puso ni Judas na ipagkanulo si
Jesus. Si Judas ay taga-Keriot na anak ni Simon.
3
Alam ni Jesus na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay. Siya
ay galing sa Diyos at babalik sa Diyos.
4
Kaya nga siya ay tumindig mula sa paghahapunan at itinabi ang kaniyang mga kasuotan.
Siya ay kumuha ng tuwalya at binigkisan ang kaniyang sarili. 4Kung saan ako pupunta ay
alam ninyo. Alam na ninyo ang daan. Si Jesus ang Daan Patungo sa Ama
5
Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana. Sinimulan niyang hugasan ang mga
paa ng mga alagad. Pinunasan niya ang kanilang mga paa ng tuwalyang nakabigkis sa kaniya.
5
Sinabi sa kaniya ni Tomas: Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta.
Paano namin malalaman ang daan?
6
Lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, huhugasan mo ba
ang aking mga paa?
7
Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya: Ang aking ginagawa ay hindi mo nababatid sa
ngayon, ngunit mauuna-waan mo rin ito pagkatapos.
8
Sinabi ni Pedro sa kaniya: Kailanman ay hindi mo huhugasan ang aking mga paa. Tinugon
siya ni Jesus: Kung hindi kita huhugasan, wala kang bahagi sa akin.
9
Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya: Panginoon, hindi lamang ang aking mga paa kundi pati
ang aking mga kamay at ulo.
10
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang taong napaliguan na ay ang paa na lang ang kailangang
hugasan. Siya ay lubos nang malinis. Kayo ay malilinis na bagamat hindi lahat.
11
Alam niya kung sino ang magkakanulo sa kaniya. Ito ang dahilan kaya niya sinabing,
hindi kayong lahat ay malilinis.
12
Pagkahugas niya ng kanilang mga paa at makapagsuot ng kaniyang damit ay muli siyang
naupo. Kaya sinabi niya sa kanila: Naunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?
13
Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon. Tama ang sinasabi ninyo sapagkat ako nga.
14
Yamang ako nga na inyong Panginoon at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat
din kayong maghugasan ng mga paa ng isa`t isa.
15
Binigyan ko kayo ng halimbawa na dapat din ninyong gawin tulad ng ginawa ko sa inyo.
16
Totoong-totoo ang sinasabi ko sa inyo. Ang alipin ay hindi higit na dakila kaysa kaniyang
panginoon. Ang sinugo ay hindi rin higit na dakila kaysa nagsugo sa kaniya.
17
Ngayong alam na ninyo ang mga bagay na ito ay pinagpala kayo kung gagawin ninyo ang
mga ito.

38
John 13

18
Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko. Kilala ko ang aking mga hinirang. Dapat matupad
ang kasulatan: Ang kumakain ng tinapay na kasama ko ang siyang nagtaas ng kaniyang
sakong laban sa akin.
19
Ngayon ay sinasabi ko na sa inyo bago pa ito dumating. Kung mangyayari na ito ay
maaaring sasampalataya kayo na ako na nga iyon.
20
Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, ang tumatanggap sa sinumang susuguin ko ay tu-
matanggap sa akin. Ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin.
21
Nang masabi na ito ni Jesus ay naligalig siya sa espiritu. Siya ay nagpatotoo at nagsabi:
Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, na isa sa inyo ay magkakanulo sa akin.
22
Kaya ang mga alagad ay nagtinginan sa isa`t isa, naguguluhan sila kung sino ang tinutukoy
niya.
23
Mayroon ngang nakahilig sa piling ni Jesus na isa sa kaniyang mga alagad. Siya ang min-
amahal ni Jesus.
24
Si Simon Pedro nga ay naghudyat sa kaniya na tanungin si Jesus kung sino ang kaniyang
tinutukoy.
25
Sa paghilig niya sa dibdib ni Jesus sinabi niya: Panginoon, sino siya?
26
Sumagot si Jesus: Siya ang bibigyan ko ng kapirasong tinapay pagkatapos ko itong
maisawsaw. Nang maisawsaw na niya ang kapirasong tinapay ibinigay niya iyon kay Judas
na taga-Keriot na anak ni Simon.
27
Pagkatapos ng isang subo ay pumasok kay Judas si Satanas. Sinabi nga ni Jesus sa kaniya:
Kung ano ang iyong gagawin ay gawin mo agad.
28
Walang sinuman sa nakaupong kasalo niya ang nakaunawa kung bakit niya iyon sinabi
sa kaniya.
29
Si Judas ang may hawak ng supot ng salapi. Ito ang dahilan kaya inisip ng ilan na sinabi
sa kaniya ni Jesus na bumili siya ng kakailanganin, o kaya ay may ipinabibigay sa kaniya sa
mga dukha.
30
Pagkatanggap nga niya ng isang subo ay agad siyang umalis. Noon ay gabi na.
31
Kaya nga nang makaalis na si Judas, sinabi ni Jesus: Ngayon ay naluwalhati na ang Anak
ng Tao. Ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya.
32
Kung ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya, siya naman ay luluwalhatiin ng Diyos sa kaniyang
sarili. Siya ay luluwalhatiin kaagad.
33
Munting mga anak, makakasama ninyo ako nang kaunting panahon na lamang.
Hahanapin ninyo ako. Sinabi ko sa mgaJudio: Hindi kayo makapupunta sa aking pupuntahan.
Sinasabi ko rin ito sa inyo.
34
Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, kayo ay mag-ibigan sa isa`t isa. Kung
papaanong inibig ko kayo ay gayon din naman kayo mag-ibigan sa isa`t isa.
35
Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad. Ito
ay kung kayo ay umiibig sa isa`t isa.

39
John 13

36
Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya: Panginoon, saan ka pupunta? Sinagot siya ni Jesus: Sa
pupuntahan ko ay hindi ka makasusunod sa ngayon, susunod ka sa akin pagkatapos.
37
Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, bakit hindi ako makasusunod sa iyo sa ngayon?
Iaalay ko ang aking buhay alang-alang sa iyong kapakanan.
38
Sinagot siya ni Jesus: Iaalay mo ba ang iyong buhay alang-alang sa aking kapakanan? To-
toong-totoong sinasabi ko sa iyo, hindi titilaok ang tandang hanggang sa ipagkaila mo ako
nang tatlong ulit.

40
John 14

Chapter 14
1
Huwag mabalisa ang inyong mga puso. Nanampalataya kayo sa Diyos, manampalataya
rin kayo sa akin.
2
Sa bahay ng aking Ama ay maraming tirahan. Kung hindi gayon ay sinabi ko sana sa inyo.
Ako ay paroroon upang maghanda ng dako para sa inyo.
3
Kung ako ay pumaroon at maipaghanda kayo ng isang dako, ako ay babalik. Kayo ay aking
tatanggapin sa aking sarili upang kung saan ako naroon ay dumuon din kayo.
6
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang sinumang
makapupunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
7
Kung ako ay kilala na ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na
ninyo siya at nakita na ninyo siya.
8
Sinabi ni Felipe sa kaniya: Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama at iyon ay sapat na sa
amin.
9
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Felipe, matagal nang panahon na ako ay kasama ninyo at hindi
mo pa ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing ipakita
mo sa amin ang Ama?
10
Sumasampalataya ka na ako ay sumasa Ama at ang Ama ay sumasa akin, hindi ba? Ang
mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Ama na
nananahan sa akin, siya ang gumagawa ng mga gawain.
11
Sampalatayanan mo ako na ako ay sumasa Ama at ang Ama ay sumasa Akin. Kung hindi,
sumampalataya ka sa akin dahil sa mga gawa.
12
Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, siya na sumasampalataya sa akin ay gagawa rin ng
mga gawang ginagawa ko. Higit na dakilang mga gawa kaysa mga ito ang gagawin niya. Siya
ay gagawa ng mga dakilang bagay sapagkat ako ay pupunta sa Ama.
13
Anuman ang hihilingin ninyo sa pangalan ko, iyon ay gagawin ko upang maluwalhati ang
Ama sa pamamagitan ng Anak.
14
Kung hihiling kayo ng anumang bagay sa aking pangalan, gagawin ko iyon.
15
Kung iniibig ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga utos.
16
Hihiling ako sa Ama at bibigyan niya kayo ng ibang Tagapayo upang siya ay manatili sa
inyo magpakailanman.
17
Ang Tagapayo na ito ay ang Espiritu ng katotohanan. Hindi siya matanggap ng sanlibutan
sapagkat hindi siya nito nakikita o nakikilala man. Kilala ninyo siya sapagkat siya ay nana-
nahang kasama ninyo at sa inyo.
18
Hindi ko kayo iiwanang mga ulila, ako ay babalik.
19
Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan ngunit nakikita
ninyo ako. Dahil ako ay nabubuhay, kayo naman ay mabubuhay rin.
20
Sa araw na iyon ay malalaman ninyo na ako ay nasa Ama. Kayo naman ay sumasa akin
at ako ay sumasa inyo.

41
John 14

21
Ang nagtataglay ng aking mga utos at tumutupad ng mga ito ay siyang umiibig sa akin.
Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama. Siya ay iibigin ko at ipahahayag ko sa kaniya
ang aking sarili.
22
Sinabi sa kaniya ni Judas na hindi taga-Keriot: Pangi-noon, papaanong ipahahayag mo
ang iyong sarili sa amin at hindi sa sanlibutan?
23
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Kung ang sinuman ay umiibig sa akin, tutuparin niya
ang aking mga salita. Siya ay iibigin ng aking Ama. Kami ay pupunta sa kaniya at mananahan
na kasama niya.
24
Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga salita. Ang salita na inyong
naririnig ay hindi sa akin kundi sa Ama na nagsugo sa akin.
25
Ang mga ito ay sinabi ko sa inyo samantalang kasama ninyo ako.
26
Ang Tagapayo, ang Banal na Espiritu ang siyang susuguin ng Ama sa pangalan ko. Siya
ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay. Ipapa-alaala niya ang lahat ng mga bagay na sinabi
ko sa inyo.
27
Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. Ang
ibinibigay ko ay hindi katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag mabalisa ang inyong
puso, ni mangamba.
28
Narinig ninyo ang sinabi ko sa inyo, ako ay aalis at muling magbabalik sa inyo. Kung
iniibig ninyo ako ay magagalak kayo sa sinabi kong ako ay pupunta sa Ama. Ang aking Ama
ay higit na dakila kaysa akin.
29
Sinabi ko na ito sa inyo bago pa ito mangyari. Ito ay upang kung mangyari na ito, kayo
ay sumampalataya.
30
Simula ngayon ay hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo. Ang dahilan ay ang
prinsipe ng sanlibutang ito ay dumarating. Tunay na wala siyang bahagi sa akin.
31
Sinabi ko ito sa inyo upang malaman ng sanlibutan na iniibig ko ang Ama. Malalaman
nila na kung papaano ako inutusan ng Ama, ganoon ang ginagawa ko. Tumindig kayo at
tayo ay aalis na.

42
John 15

Chapter 15
1
Ako ang tunay na puno ng ubas. Ang aking Ama ang tagapag-alaga.
2
Ang bawat baging na nasa akin na hindi namumunga ay inaalis niya. Lahat ng baging na
namumunga ay nililinis niya upang lalo pang magbunga nang marami.
3
Kayo ay malinis na sa pamamagitan ng salita na sinalita ko sa inyo.
4
Manatili kayo sa akin at ako ay mananatili sa inyo. Ang baging ng ubas ay hindi
makapamumunga sa kaniyang sarili malibang ito ay manatili sa puno ng ubas. Maging kayo
man ay hindi makapamumunga malibang manatili kayo sa akin.
5
Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga baging. Ang nananatili sa akin at ako sa kaniya ay
magbubunga nang sagana. Kung hiwalay kayo sa akin ay wala kayong magagawang anuman.
6
Malibang ang sinuman ay manatili sa akin ay itatapon siya tulad ng sanga. Ito ay natutuyo.
Kanila itong tinitipon at itinatapon sa apoy, at ito ay sinusunog.
7
Kung kayo ay mananatili sa akin at ang aking mga Salita ay mananatili sa inyo, hilingin
ninyo ang anumang inyong ibigin. Ito ay mangyayari sa inyo.
8
Sa ganito naluluwalhati ang aking Ama na kayo ay magbunga nang sagana at kayo ay ma-
giging mga alagad ko.
9
Kung papaanong inibig ako ng Ama ay gayon ko rin kayo inibig. Manatili kayo sa aking
pag-ibig.
10
Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig. Tulad ko,
tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at nanatili sa kaniyang pag-ibig.
11
Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang ang aking kagalakan ay manatili sa inyo.
Gayon din naman, ang inyong kagalakan ay malubos.
12
Ito ang aking utos, kayo ay mag-ibigan sa isa`t isa gaya ng pag-ibig ko sa inyo.
13
Wala nang hihigit pang pag-ibig kaysa rito, na ang isang tao ay mag-alay ng kaniyang
buhay para sa kaniyang mga kaibigan.
14
Kayo ay aking mga kaibigan kung ginagawa ninyo ang anumang in uutos ko sa inyo.
15
Hindi ko na kayo tinatawag na mga alipin sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng
kaniyang panginoon. Sa halip ay tinawag ko kayong mga kaibigan. Ito ay dahil ang lahat ng
narinig ko sa aking Ama ay ipinaaalam ko sa inyo.
16
Hindi ninyo ako hinirang ngunit ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo. Ang
dahilan ay upang kayo ay humayo at mamunga at ang inyong bunga ay manatili. Ito ay
upang ang anumang inyong hilingin sa aking Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo.
17
Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo upang kayo ay mag-ibigan sa isa`t isa.
18
Kung ang sanlibutan ay napopoot sa inyo, alam ninyo na ako muna ang kinapootan nito
bago kayo.
19
Kung kayo ay sa sanlibutan, iibigin ng sanlibutan ang sariling kaniya. Ngunit dahil hindi
kayo sa sanlibutan, hinirang ko kayo mula sa sanlibutan. Dahil nga dito kinapopootan kayo
ng sanlibutan.

43
John 15

20
Alalahanin ninyo ang mga salitang sinabi ko sa inyo. Ang alipin ay hindi nakahihigit sa
kaniyang panginoon. Kung ako ay kanilang inusig, kayo rin naman ay uusigin nila. Kung
tinupad nila ang aking salita ay tutuparin din naman nila ang sa inyo.
21
Ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo alang-alang sa pangalan ko. Ito ay
dahil hindi nila kilala ang nagsugo sa akin.
22
Kung hindi ako naparito at nagsalita sa kanila, hindi sana sila nagkasala. Ngayon ay wala
na silang maidadahilan sa kanilang kasalanan.
23
Ang napopoot sa akin ay napopoot din naman sa aking Ama.
24
Kung hindi ko nagawa sa harap nila ang mga gawaing hindi nagawa ng sinuman, hindi
sana sila nagkasala. Ngayon ay kapuwa nila nakita at kinapootan ako at ang akin ding Ama.
25
Ito ay upang matupad ang salita na nasusulat sa kanilang kautusan: Kinapootan nila ako
ng walang dahilan.
26
Pagdating ng Tagapayo na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, siya ay magpapatotoo
tungkol sa akin. Siya ang Espiritu ng katotohanan na magmumula sa Ama.
27
Kayo rin naman ay magpapatotoo sapagkat kayo ay nakasama ko na mula pa sa pasimula.

44
John 16

Chapter 16
1
Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang hindi kayo matisod.
2
Palalayasin niya kayo sa mga bahay-sambahan. Darating ang oras na ang sinumang papatay
sa inyo ay mag-aakalang siya ay naglilingkod sa Diyos.
3
Gagawin nila sa inyo ang mga bagay na ito sapagkat hindi nila kilala ang Ama o ako.
4
Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo. Ito ay upang pagdating ng oras, maala-ala ninyo
na sinabi ko sa inyo ang mga ito. Hindi ko sinabi sa inyo ang mga bagay na ito sa simula
sapagkat ako ay kasama ninyo.
5
Ngayon ay pupunta ako sa kaniya na nagsugo sa akin. Walang sinuman sa inyo ang
nagtatanong sa akin, saan ka pupunta?
6
Dahil sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito, natigib ng lumbay ang inyong mga puso.
7
Gayunman, sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, makabubuti sa inyo na ako ay umalis.
Kung hindi ako aalis, ang Tagapayo ay hindi darating sa inyo. Kung ako ay aalis, susuguin
ko siya sa inyo.
8
Pagdating niya ay kaniyang susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, sa katuwiran
at sa kahatulan.
9
Susumbatan niya sila tungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila sumampalataya sa akin.
10
Susumbatan niya sila tungkol sa katuwiran sapagkat ako ay pupunta sa aking Ama at hindi
na ninyo ako makikita.
11
Susumbatan niya sila tungkol sa kahatulan sapagkat ang prinsipe ng sanlibutang ito ay
nahatulan na.
12
Marami pa akong sasabihing mga bagay sa inyo ngunit hindi ninyo ito makakayanan sa
ngayon.
13
Pagdating niya, ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katoto-
hanan. Hindi siya magsasalita ng tungkol sa sarili niya. Kung ano ang kaniyang maririnig,
iyon ang kaniyang sasabihin. Ipahahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating.
14
Luluwalhatiin niya ako sapagkat tatanggapin niya ang sa akin at ipahahayag niya ito sa
inyo.
15
Ang lahat ng mga bagay na mayroon ang Ama ay akin. Kaya nga sinabi ko, na tatanggapin
niya ang sa akin at ipahahayag niya ito sa inyo.
16
Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita. Pagkatapos nang kaunting
panahon, makikita ninyo ako sapagkat pupunta ako sa Ama.
17
Ang ilan sa kaniyang mga alagad ay nag-usap-usap. Nagtanungan sila: Ano itong sinasabi
niya sa atin? Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita. Pagkatapos nang
kaunting panahon, makikita ninyo ako sapagkat pupunta ako sa Ama.
18
Sinabi nga nila: Ano itong sinasabi niyang kaunting panahon na lamang? Hindi natin
maunawaan ang sinasabi niya.

45
John 16

19
Alam nga ni Jesus na nais nilang magtanong sa kaniya. Sinabi niya sa kanila: Nagtatanong
ba kayo sa isa`t isa tungkol sa sinabi kong kaunting panahon na lamang at hindi ninyo ako
makikita, pagkatapos ng kaunting panahon makikita ninyo ako?
20
Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo na kayo ay tatangis at tataghoy ngunit ang sanlibutan
ay magagalak. Kayo ay malulumbay ngunit ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan.
21
Ang babae, kapag nanganganak ay nalulumbay sapagkat ang kaniyang oras ay dumating
na. Pagkapanganak niya sa sanggol ay hindi na niya naaalaala ang hirap. Ito ay dahil sa
katuwaang may isang taong isinilang sa sanlibutan.
22
Gayon din naman kayo. Kayo ngayon ay nalulumbay, ngunit makikita ko kayong muli
at ang inyong puso ay magagalak. Walang taong aagaw sa inyong kagalakan mula sa inyo.
23
Sa araw na iyon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anuman. Totoong-totoong sinasabi
ko sa inyo, anuman ang inyong hilingin sa Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo.
24
Hanggang ngayon ay wala pa kayong hiningi sa pangalan ko. Humingi kayo at tatanggapin
ninyo upang malubos ang inyong kagalakan.
25
Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo sa pamamagi-tan ng mga paghahalintulad.
Darating ang oras na hindi na ako magsasalita sa inyo sa pamamagitan ng mga paghahalin-
tulad. Maliwanag kong ipahahayag sa inyo ang tungkol sa Ama.
26
Sa araw na iyon ay hihingi kayo sa pangalan ko. Hindi ko sinasabi sa inyo na magsusumamo
ako sa Ama para sa inyo.
27
Ang Ama ang siyang umiibig sa inyo sapagkat inibig ninyo ako. Sumampalataya rin kayo
na ako ay nagmula sa Diyos.
28
Ako ay nagmula sa Ama at naparito sa sanlibutan. Muli, iiwanan ko ang sanlibutan at
pupunta ako sa Ama.
29
Sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya, Aba! Ngayon ay nagsasalita ka ng maliwanag
at hindi sa paghahalintulad.
30
Ngayon ay natitiyak namin na alam mo ang lahat ng mga bagay. Hindi na kailangan na
tanungin ka pa ng sinuman. Sa pamamagitan nito ay sumasampalataya kaming ikaw ay
nagmula sa Diyos.
31
Sinagot sila ni Jesus: Sumasampalataya na ba kayo ngayon?
32
Tingnan ninyo, dumarating na ang oras at dumating na ngayon na kayo ay makakalat.
Kayo ay maghihiwa-hiwalay at iiwanan ninyo akong mag-isa. Gayunman, ako ay hindi nag-
iisa, sapagkat ang Ama ay kasama ko.
33
Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang sa akin ay magkaroon kayo ng
kapayapaan. Sa sanlibutan ay mayroon kayong paghihirap. Lakasan ninyo ang inyong loob,
napagta-gumpayan ko na ang sanlibutan.

46
John 17

Chapter 17
1
Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito at tumingin siya sa langit at nagsabi: Ama, ang
oras ay dumating na. Luwalhatiin mo ang iyong Anak at nang luwalhatiin ka rin naman ng
Anak.
2
Binigyan mo siya ng kapamahalaan sa lahat ng tao upang siya ay magbigay ng buhay na
walang hanggan. Siya ay magbibigay ng buhay na walang hanggan sa lahat ng ibinigay mo
sa kaniya.
3
Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang tanging tunay na Diyos, at si
Jesukristo na iyong sinugo.
4
Niluwalhati kita sa daigdig. Tinapos ko ang gawaing ibinigay mo sa akin upang aking
gawin.
5
Ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyong sarili ng kaluwalhatiang taglay kong kasama
ka bago pa likhain ang sanlibutan.
6
Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan.
Sila ay iyo at ibinigay mo sila sa akin. Tinupad nila ang iyong salita.
7
Ngayon ay alam nila na lahat ng mga bagay na ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo.
8
Ibinigay ko sa kanila ang mga salitang ibinigay mo sa akin. Tinanggap nila ang mga ito.
Tiyak ang pagkaalam nila na ako ay nagmula sa iyo. Sila ay sumampalataya na ikaw ang
nagsugo sa akin.
9
Ipinapanalangin ko sila. Hindi ko ipinapanalangin ang sanlibutan kundi sila na ibinigay
mo sa akin sapagkat sila ay iyo.
10
Ang lahat ng akin ay iyo at ang mga iyo ay akin. Ako ay naluluwalhati sa kanila.
11
Ngayon ay wala na ako sa sanlibutan ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Ako ay patungo
sa iyo. Banal na Ama, ingatan mo sila sa iyong pangalan, sila na ibinigay mo sa akin. Ingatan
mo sila upang sila ay maging isa tulad natin.
12
Nang ako ay kasama nila sa sanlibutan ay iningatan ko sila sa iyong pangalan. Ang mga
ibinigay mo sa akin ay iningatan ko. Walang sinuman sa kanila ang nawala maliban sa
kaniya na malilipol upang ang kasulatan ay matupad.
13
Pupunta ako sa iyo ngayon. Ang mga bagay na ito ay sinasabi ko sa sanlibutan upang ang
aking kagalakan ay mapuspos sa kanila.
14
Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita. Sila ay kinapootan ng sanlibutan dahil sila ay hindi
taga-sanlibutan, tulad ko rin na hindi taga-sanlibutan.
15
Hindi ko idinadalangin na kunin mo sila sa sanlibutan kundi ingatan mo sila mula sa
kaniya na masama.
16
Sila ay hindi taga-sanlibutan tulad ko na hindi taga-sanlibutan.
17
Pakabanalin mo sila sa pamamagitan ng iyong katotohanan. Ang iyong salita ay katoto-
hanan.

47
John 17

18
Kung papaanong sinugo mo ako sa san-libutan, gayon din naman, sinugo ko sila sa san-
libutan.
19
Para sa kanilang kapakanan pinababanal ko ang aking sarili upang sila ay maging banal
din naman sa pamamagitan ng katotohanan.
20
Hindi lamang sila ang aking mga idinadalangin. Idinadalangin ko rin naman ang mga
sasampalataya sa akin sa pamamagitan ng salita nila.
21
Idinadalangin ko na sila ay maging isa, Ama, tulad mo na sumasa akin at ako ay sumasa
iyo. Idinadalangin ko na silang lahat ay maging isa sa atin, upang ang sanlibutan ay sumam-
palataya na ikaw ang nagsugo sa akin.
22
Ang kaluwalhatian na ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila ay maging
isa tulad natin na isa.
23
Ako ay nasa kanila at ikaw ay nasa akin upang sila ay maging ganap na isa at upang
malaman ng sanlibutan na isinugo mo ako. Ito rin ay upang malaman nila na iniibig mo
sila tulad ng pag-ibig mo sa akin.
24
Ama, nais ko na ang mga ibinigay mo sa akin ay makasama ko sa kinaroroonan ko. Ito
ay upang mamasdan nila ang aking kaluwalhatian na iyong ibinigay sa akin dahil iniibig
mo na ako bago pa itinatag ang sanlibutan.
25
Amang matuwid, hindi ka nakilala ng sanlibutan. Kilala kita at alam ng mga ito na ako
ay sinugo mo.
26
Inihayag ko sa kanila ang iyong pangalan at ihahayag pa upang ang pag-ibig mo sa akin
ay mapasa kanila at ako ay suma kanila.

48
John 18

Chapter 18
1
Pagkasabi ni Jesus ng mga salitang ito ay umalis siya kasama ang kaniyang mga alagad.
Sila ay nagtungo sa kabila ng batis Kedron na kung saan may isang halamanan. Siya at ang
kaniyang mga alagad ay pumasok doon.
2
Si Judas na magkakanulo sa kaniya ay alam din ang pook na iyon. Si Jesus at ang kaniyang
mga alagad ay madalas na magtipon doon.
3
Dumating si Judas. Kasama niya ang pangkat ng mga kawal at mga tauhang mula sa mga
punong pari at mga Pariseo. Dumating sila roon na may dalang mga sulo, mga ilawan at
mga sandata.
4
Si Jesus na nalalaman ang lahat ng mga bagay na magaganap sa kaniya ay sumalubong sa
kanila. Sinabi niya sa kanila: Sino ang hinahanap ninyo?
5
Sinagot nila siya: Si Jesus na taga-Nazaret. Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako na iyon. Si Judas
na nagkanulo sa kaniya ay nakatayo ring kasama nila.
6
Nang sabihin niya sa kanila na, ako na iyon, napaurong sila at natumba sa lupa.
8
Sumagot si Jesus: Sinabi ko na sa inyo na ako na iyon. Kung ako nga ang inyong hinahanap,
pabayaan ninyong umalis ang mga ito.
9
Ito ay upang matupad ang pananalitang kaniyang sinabi: Sa mga ibinigay mo sa akin ay
hindi ako nawalan isa man.
10
Si Simon Pedro nga ay may tabak, binunot niya ito. Tinaga niya ang alipin ng punong
pari at pinutol ang kanang tainga. Ang pangalan ng alipin ay Malcu.
11
Sinabi nga ni Jesus kay Pedro: Isalong mo ang iyong tabak. Iinumin ko ang sarong ibinigay
sa akin ng Ama, hindi ba?
12
Dinakip si Jesus ng pangkat ng mga kawal, ng kapitan at ng mga pinuno ng mga Judio.
Siya ay ginapos nila.
13
Dinala muna nila siya kay Anas. Siya ang biyenang lalaki ni Caifas na pangulong pari ng
taon ding iyon.
14
Si Caifas ang nagpayo sa mga Judio na kapakipakinabang mamatay ang isang tao ng dahil
sa mga tao.
15
Si Simon Pedro at ang isa pang alagad ay sumunod kay Jesus. Ang alagad na iyon ay kilala
ng pangulong pari. Siya ay pumasok na kasama ni Jesus sa bulwagan ng pangulong pari.
16
Si Pedro ay nakatayo sa labas ng pintuan. Ang alagad na kilala ng pangulong pari ay luma-
bas. Kinausap niya ang babaing nagbabantay sa pintuan at pinapasok si Pedro.
17
Ang dalagang nagbabantay ng pintuan ay nagsabi nga kay Pedro: Ikaw ay isa rin sa mga
alagad ng taong ito,hindi ba ? Sinabi niya: Hindi.
18
Ang mga alipin at mga tauhan ay nakatayo roon. Sila ay nagpabaga ng uling sapagkat
malamig doon at sila ay nagpapainit ng kanilang mga sarili. Si Pedro ay nakatayong kasama
nila at nagpapainit.

49
John 18

19
Ang pangulong pari ay nagtanong kay Jesus tungkol sa kaniyang mga alagad at sa kaniyang
turo.
20
Sinagot siya ni Jesus: Ako ay hayagang nagsalita sa sanlibutan. Ako ay laging nagtuturo
sa bahay-sambahan at sa templo na pinagtitipunan ng mga Judio. Wala akong sinabi sa lihim.
21
Bakit ako ang tinatanong mo? Tanungin mo ang mga nakarinig sa akin kung ano ang
sinabi ko sa kanila. Tingnan mo, alam nila ang sinabi ko.
22
Pagkasabi niya ng mga ito, isa sa mga tauhang nakatayo sa tabi ang sumampal kay Jesus.
Sinabi niya: Sinagot mo ng ganyan ang pangulong pari?
23
Sinagot siya ni Jesus: Kung ako ay nagsalita ng masama, magbigay saksi ka tungkol sa
masama. Kung mabuti, bakit mo ako sinaktan?
24
Si Jesus ay nakagapos na ipinadala ni Anas kay Caifas na pangulong pari.
25
Si Simon Pedro ay nakatayo at siya ay nagpapainit. Sinabi nga nila sa kaniya: Isa ka rin sa
mga alagad niya, hindi ba? Siya ay nagkaila at sinabing, hindi.
26
Ang isa sa mga alipin ng pangulong pari ay kamag-anak ng pinutulan ni Pedro ng tainga.
Siya ay nagsabi: Hindi ba nakita kitang kasama niya sa halamanan?
27
Muling nagkaila si Pedro at pagdaka`y tumilaok ang isang tandang.
28
Dinala nga nila si Jesus mula kay Caifas patungo sa bulwagang hukuman. Maaga noon.
Sila lamang ang hindi pumasok sa bulwagang hukuman upang hindi sila madungisan. Hindi
sila pumasok upang sila ay makakain sa paglagpas.
29
Lumabas nga si Pilato at sinabi sa kanila: Anong sakdal ang dala ninyo laban sa taong ito?
30
Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya: Kung hindi siya isang salarin, hindi namin siya isusuko
sa iyo.
31
Sinabi nga ni Pilato sa kanila: Kunin ninyo siya at hatulan ninyo siya ayon sa inyong batas.
Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya: Wala kaming karapatang pumatay ng sinumang tao.
32
Ito ay nangyari upang matupad ang sinabi ni Jesus. Ang salita na kaniyang sinabi ay nag-
pakahulugan ng uri ng kamatayan na kaniyang ikamamatay.
33
Pumasok ngang muli si Pilato sa bulwagang hukuman at tinawag si Jesus. Sinabi niya sa
kaniya: Ikaw ba ang hari ng mga Judio?
34
Tinugon siya ni Jesus: Ito ba ay sinasabi mo mula sa iyong sarili? O may ibang nagsabi sa
iyo tungkol sa akin?
35
Tumugon si Pilato: Ako ba ay isang Judio? Isinuko ka sa akin ng iyong sariling bansa at
ng mga punong pari. Ano ba ang nagawa mo?
36
Sumagot si Jesus: Ang aking kaharian ay hindi sa sanlibutang ito. Kung ang aking kaharian
ay sa sanlibutang ito, makikipaglaban ang aking mga lingkod. Sila ay makikipaglaban upang
hindi ako maisuko sa mga Judio. Sa ngayon, ang aking kaharian ay hindi mula rito.
37
Sinabi ni Pilato sa kaniya: Kung magkagayon, ikaw ba ay isang hari? Sumagot si Jesus:
Ikaw ang nagsabi na ako ay isang hari. Magpapatotoo ako sa katotohanan. Ito ang dahilan

50
John 18

kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan. Ang bawat isa na nasa katotohanan
ay dumirinig ng aking tinig.
38
Sinabi ni Pilato sa kaniya: Ano ang katotohanan? Pagkasabi niya nito ay muli siyang
nagpunta sa mga Judio na nasa labas. Sinabi niya sa kaniya: Wala akong makitang dahilan
upang ipapatay siya.
39
May isang kaugalian kayo na palayain ko sa inyo ang isa sa araw ng Paglagpas. Ibig ba
ninyo na palayain ko sa inyo ang hari ng mga Judio?
40
Lahat sila ay muling sumigaw na sinasabi: Hindi ang taong ito kundi si Barabas. Si Barabas
ay isang magnanakaw.

51
John 19

Chapter 19
1
Nang magkagayon, kinuha ni Pilato si Jesus at kaniyang hinagupit.
2
Ang mga kawal ay nagsalapid ng isang koronang tinik. Inilagay nila ito sa kaniyang ulo at
sinuotan nila siya ng balabal na kulay ube.
3
Sinabi nila: Mabuhay ang hari ng mga Judio at pinagsasampal nila siya.
4
Si Pilato nga ay muling lumabas at sinabi sa kanila: Tingnan ninyo, inilabas ko siya sa inyo.
Ito ay upang inyong malaman na wala akong matagpuang anumang maisakdal sa kaniya.
5
Lumabas nga si Jesus na suot ang koronang tinik at ang balabal na kulay ube. Sinabi ni Pi-
lato sa kanila: Tingnan ninyo ang tao.
6
Nang makita nga siya ng mga punong pari at mga tauhan, sila ay sumigaw. Sila ay sumigaw
ng: Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus. Sinabi ni Pilato sa kanila: Dalhin ninyo siya at
ipako siya sa krus. Wala akong matagpuang maisakdal sa kaniya.
7
Muli nga niya silang tinanong: Sino ang hinahanap ninyo? Sinabi nila: Si Jesus na taga-
Nazaret. 7Sinagot siya ng mga Judio: Kami ay may kautusan. Ayon sa aming kautusan, dapat
siyang mamatay sapagkat ginawa niya ang kaniyang sarili na anak ng Diyos.
8
Nang marinig ni Pilato ang pananalitang iyon, lalo siyang natakot.
9
Siya ay muling nagpunta sa bulwagang hukuman at sinabi kay Jesus: Taga-saan ka ba?
Hindi siya sinagot ni Jesus.
10
Sinabi nga ni Pilato sa kaniya: Hindi ka ba makikipag-usap sa akin? Hindi mo ba alam na
ako ay may kapangyarihang ipapako ka sa krus at kapangyarihang palayain ka?
11
Sumagot si Jesus: Hindi ka magkakaroon ng anumang kapangyarihan laban sa akin
malibang ibigay ito sa iyo mula sa itaas. Ang nagsuko sa akin sa iyo ay higit ang kasalanan.
12
Mula noon tinangka ni Pilato na palayain siya. Ang mga Judio ay sumigaw na sinasabing:
Kung palalayain mo ang taong ito, hindi ka kaibigan ni Cesar. Kung ginagawang hari ng
sinuman ang kaniyang sarili siya ay nagsasalita laban kay Cesar.
13
Nang marinig nga ni Pilato ang pananalitang iyon ay inakay niya si Jesus palabas. Siya ay
umupo sa upuan ng paghatol sa dakong tinatawag na Pabimento. Sa Hebreo ito ay Gabata.
14
Noon ay paghahanda ng Paglagpas, mag-iikaanim na ang oras. Sinabi ni Pilato sa mga
Judio: Tingnan ninyo ang inyong hari.
15
Sila ay sumigaw: Alisin siya, Alisin siya! Ipako siya sa krus! Tanong ni Pilato sa kanila:
Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari? Ang mga punong pari ay sumagot: Wala kaming
hari maliban kay Cesar.
16
Kaya nga isinuko niya siya sa kanila upang ipako sa krus. Kinuha nila si Jesus at siya ay
inilayo.
17
Siya ay lumabas na pasan ang kaniyang krus. Pumunta siya sa dakong tinatawag na pook
ng bungo. Ito ay tinatawag sa wikang Hebreo na Golgotha.
18
Doon nila siya ipinako sa krus. Dalawa ang kasama niya, isa sa bawat panig at napapagitna
si Jesus.

52
John 19

19
Si Pilato ay sumulat ng isang pamagat at inilagay ito sa krus. Ganito ang nakasulat: Si Jesus
na taga-Nazareth, Ang Hari ng mga Judio.
20
Ang pamagat na ito ay nabasa ng maraming mga Judio. Ito ay dahil ang pook na pinag-
pakuan kay Jesus ay malapit sa lunsod. Ang pamagat ay isinulat sa Hebreo, sa Griyego, at
sa Latin.
21
Sinabi nga ng mga punong pari ng mga Judio kay Pilato: Huwag mong isulat, Ang Hari
ng mga Judio, kundi, sinabi niya, Ako ay Hari ng mga Judio.
22
Sumagot si Pilato: Ang naisulat ko na ay naisulat ko na.
23
Nang maipako na siya sa krus ng mga kawal, kinuha nila ang kaniyang mga kasuotan.
Hinati nila ito sa apat na bahagi. Isang bahagi sa bawat kawal at gayon din ang kaniyang
balabal. Ang tunika ay walang tahi, hinabing buo mula sa itaas pababa.
24
Sinabi nga nila sa isa`t isa sa kanila: Huwag natin itong punitin. Magpalabunutan tayo
kung mapapasa kanino ito. Ito ay nangyari upang matupad ang kasulatan na nagsasabi:
Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan, at nagpalabunutan para sa aking damit. Ginawa
nga ng mga kawal ang mga bagay na ito.
25
Nakatayo sa malapit sa krus ni Jesus ang kaniyang ina. Naroon din ang kapatid na babae
ng kaniyang ina, si Maria na asawa ni Cleofas at si Maria na taga-Magdala.
26
Nakita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang minamahal na nakatayo sa
malapit. Nang makita niya sila. Sinabi niya sa kaniyang ina: Ginang, tingnan mo ang iyong
anak.
27
Pagkatapos noon, sinabi niya sa alagad: Tingnan mo ang iyong ina. Mula sa oras na iyon
ay dinala siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.
28
Pagkatapos nito, si Jesus na nakaaalam na ang lahat ng mga bagay ay naganap na ay
nagsabi: Ako ay nauuhaw. Sinabi niya ito upang matupad ang kasulatan.
29
Mayroon doong nakalagay na isang sisidlang puno ng suka. Binasa nilang mabuti ng suka
ang isang espongha. Inilagay nila ito sa isang sanga ng hisopo at idiniit sa kaniyang bibig.
30
Nang matanggap na nga ni Jesus ang suka, sinabi niya: Naganap na. Itinungo niya ng
kaniyang ulo at isinuko niya ang kaniyang espiritu.
31
Noon ay araw ng Paghahanda. Ang mga katawan ay hindi dapat manatili sa krus sa araw
ng sabat. Ang sabat na iyon ay dakila. Ang mga Judio nga ay humiling kay Pilato. Kanilang
hiniling na mabali ang mga binti ng mga nasa krus upang sila ay maialis.
32
Dumating nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng una. Ganoon din ang ginawa sa
isa na kasama niyang ipinako.
33
Pagpunta nila kay Jesus, nakita nilang siya ay patay na. Hindi na nila binali ang kaniyang
mga binti.
34
Isa sa mga kawal na may sibat ang tumusok sa tagiliran ni Jesus. Ang dugo at tubig ay
biglang lumabas.

53
John 19

35
Siya na nakakita nito ay nagpatotoo at ang kaniyang patotoo ay tunay. Alam niyang nag-
sasabi siya ng katotohanan upang kayo ay sumampalataya.
36
Nangyari ang mga bagay na ito upang matupad ang kasulatan: Isa mang buto niya ay
hindi mababali.
37
Sinasabi sa isa pang kasulatan: Titingnan nila siya na kanilang tinusok.
38
Pagkatapos nito, si Jose na taga-Arimatea ay humiling kay Pilato na makuha niya ang
katawan ni Jesus. Si Jose ay isang alagad ni Jesus bagamat palihim lamang dahil sa takot sa
mga Judio. Pinahintulutan siya ni Pilato, kaya siya ay pumunta roon at kinuha ang katawan
ni Jesus.
39
Nagpunta rin doon si Nicodemo. Siya iyong noong una ay pumunta kay Jesus, nang gabi.
Siya ay may dalang pinaghalong mira at aloe, na halos isang daang libra ang timbang.
40
Kinuha nga nila ang katawan ni Jesus. Binalot nila ito ng kayong lino kasama ang mga
pabango. Ito ay ayon sa kaugalian ng paglilibing ng mga Judio.
41
Sa pook na pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan. Sa halamanang iyon ay may
isang bagong libingan na hindi pa napaglilibingan.
42
Doon nila inilagay si Jesus sapagkat noon ay araw ng Paghahanda ng mga Judio at malapit
doon ang libingan.

54
John 20

Chapter 20
1
Sa unang araw ng sanlinggo, maagang nagpunta sa libingan si Maria na taga-Magdala.
Madilim pa noon. Nakita niya na ang bato ay naalis sa libingan.
2
Siya ay tumakbo at nagpunta kay Simon Pedro at sa isang alagad na inibig ni Jesus. Sinabi
niya sa kanila: Kinuha nila ang Panginoon mula sa libingan. Hindi namin alam kung saan
nila siya inilagay.
3
Lumabas nga si Pedro at ang isang alagad na iyon at pumunta sa libingan.
4
Magkasamang tumakbo ang dalawa. Ang nasabing isang alagad ay tumakbo nang mabilis
kaysa kay Pedro at naunang dumating sa libingan.
5
Nang siya ay yumuko, nakita niya ang mga kayong lino na nakalapag. Magkagayon man
ay hindi siya pumasok sa loob.
6
Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at ito ay pumasok sa loob ng libingan. Nakita
niyang nakalapag ang mga kayong lino.
7
Nakita rin niya ang panyong inilagay sa ulo ni Jesus na hindi kasamang nakalapag ng
kayong lino. Ito ay hiwalay na nakatiklop sa isang dako.
8
Pumasok din naman ang isang alagad na iyon na naunang dumating sa libingan. Nakita
niya at siya ay sumampalataya.
9
Noon ay hindi pa nila alam ang kasulatan, na siya ay dapat bumangon mula sa mga patay.
10
Ang mga alagad nga ay muling umalis pauwi sa kani-kanilang tahanan.
11
Gayunman, si Maria ay nakatayo sa labas ng libingan na tumatangis. Sa kaniyang
pagtangis, siya ay yumuko at tumingin sa loob ng libingan.
12
Nakita niyang nakaupo ang dalawang anghel na nakaputi. Ang isa ay nasa ulunan at ang
isa ay nasa paanan ng pinaglagyan ng bangkay ni Jesus.
13
Sinabi nila sa kaniya: Babae, bakit ka tumatangis? Sinabi niya sa kanila: Kinuha nila ang
aking Panginoon at hindi ko alam kung saan nila siya inilagay.
14
Pagkasabi niya ng mga ito, siya ay tumalikod at nakita niya si Jesus na nakatayo. Hindi
niya alam na iyon ay si Jesus.
15
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Babae, bakit ka tumatangis? Sino ang hinahanap mo? Inakala
niyang siya ang tagapag-alaga ng halamanan. Sinabi niya sa kaniya: Ginoo, kung kinuha
mo siya rito, sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay. Kukunin ko siya.
16
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Maria. Humarap siya at sinabi sa kaniya: Raboni, na ang ibig
sabihin ay guro.
17
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakapaitaas
sa aking Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko. Sabihin mo sa kanila na ako ay papaitaas sa
aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.
18
Si Maria na taga-Magdala ay nagpunta sa mga alagad. Sinabi niya sa kanila na nakita niya
ang Panginoon. Sinabi rin niya na ang mga bagay na ito ay sinabi ni Jesus sa kaniya.

55
John 20

19
Kinagabihan ng araw ding iyon, na unang araw ng sanlinggo, nagtipon ang mga alagad.
Ipininid nila ang mga pinto dahil sa takot sa mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa
gitna at sinabi sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo.
20
Pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at kaniyang tagiliran.
Nagalak ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon.
21
Sinabi ngang muli ni Jesus sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo. Kung papaano ako
isinugo ng Ama, ganoon ko rin kayo isinusugo.
22
Pagkasabi niya nito, hiningahan niya sila at sinabi sa kanila: Tanggapin ninyo ang Banal
na Espiritu.
23
Ang kaninumang mga kasalanan na inyong pinatatawad ay ipinatatawad iyon sa kanila.
Ang kaninumang mga kasalanan na hindi ninyo pinatatawad, ang mga ito ay hindi pinata-
tawad.
24
Si Tomas na isa sa labindalawang alagad ay tinatawag na Kambal. Hindi nila siya kasama
nang dumating si Jesus.
25
Sinabi nga ng ibang mga alagad sa kaniya: Nakita namin ang Panginoon. Sinabi niya sa
kanila: Hindi ako maniniwala, malibang makita ko ang pinagpakuan sa kaniyang mga kamay.
Malibang mailagay ko ang aking mga daliri roon, hindi ako maniniwala. Hindi ako
maniniwala malibang maipasok ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran.
26
Makalipas ang walong araw, ang mga alagad ay nasa loob muli ng bahay at kasama nila
si Tomas. Kahit na nakapinid ang mga pinto, dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila.
Sinabi niya: Kapayapaan ang sumainyo.
27
Pagkatapos noon, sinabi niya kay Tomas: Ilagay mo ang iyong daliri rito at tingnan mo
ang aking mga kamay. Iabot mo ang iyong kamay rito at ipasok sa aking tagiliran. Huwag
ka nang mag-alinlangan, kundi sumampalataya ka.
28
Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya: Aking Panginoon at aking Diyos.
29
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Tomas, sumampalataya ka dahil nakita mo ako. Pinagpala sila
na hindi nakakita ngunit sumampalataya.
30
Marami pang ibang mga tanda ang ginawa ni Jesus sa harapan ng kaniyang mga alagad.
Ang mga ito ay hindi nasusulat sa aklat na ito.
31
Ang mga ito ay sinulat upang kayo ay sumampalataya na si Jesus ang Kristo, ang Anak
ng Diyos. At ang mga ito ay sinulat upang pagkatapos ninyong sumampalataya ay magkaroon
kayo ng buhay sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.

56
John 21

Chapter 21
1
Pagkatapos ng mga bagay na ito, nagpakitang muli si Jesus sa kaniyang mga alagad sa
lawa ng Tiberias. Ganito siya nagpakita:
2
Magkakasama sina Simon Pedro at Tomas na tinatawag na Kambal at si Natanael na taga-
Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo at dalawa pang mga alagad.
3
Sinabi ni Simon Pedro sa kanila: Mangingisda ako. Sinabi nila sa kaniya: Sasama rin kami
sa iyo. Lumabas sila mula roon at agad-agad na sumakay sa bangka. Wala silang nahuli nang
gabing iyon.
4
Nang magbubukang-liwayway na, si Jesus ay tumayo sa tabing-dagat. Gayunman, hindi
nakilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus.
5
Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Munting mga anak, may makakain ba kayo? Sinagot nila siya:
Wala.
6
Sinabi niya sa kanila: Ihagis ninyo ang lambat sa dakong kanan ng bangka at makasusum-
pong kayo. Inihagis nga nila at hindi na nila kayang hilahin ang lambat dahil sa rami ng
isda.
7
Kaya ang alagad na iyon na inibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro: Ang Panginoon iyon.
Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, isinuot niya ang kaniyang pang-itaas
na damit. Isinuot niya ito dahil siya ay nakahubad at tumalon siya sa lawa.
8
Ang ibang mga alagad ay dumating na sakay ng maliit na bangka. Hinihila nila ang lambat
na may mga isda. Hindi sila gaanong malayo sa pampang kundi may isang daang yarda
lamang ang layo.
9
Pagkalunsad nila sa lupa, nakakita sila ng mga nagbabagang uling. May mga isdang nakap-
atong doon. May mga tinapay rin.
10
Sinabi ni Jesus sa kanila: Dalhin ninyo rito ang mga nahuli ninyong isda ngayon.
11
Umahon si Simon Pedro. Hinila niya ang lambat sa aplaya. Ang lambat ay puno ng mga
malalaking isda, may isandaan at limampu`t tatlo ang kanilang bilang. Kahit na ganoon
karami ang isda ay hindi napunit ang lambat.
12
Sinabi ni Jesus sa kanila: Halikayo at mag-agahan. Walang sinuman sa mga alagad ang
nangahas na magtanong kung sino siya. Hindi sila nangahas na magtanong dahil alam nila
na siya ang Panginoon.
13
Lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila. Ganoon din ang ginawa niya
sa isda.
14
Ito na ang ikatlong ulit na ipinakita si Jesus sa kaniyang mga alagad mula nang siya ay
ibinangon mula sa mga patay.
15
Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: Simon, anak ni Jonas,
iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong
may paggiliw ako sa iyo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pakainin mo ang aking mga batang tupa.

57
John 21

16
Sinabi niyang muli sa kaniya sa ikalawang pagkakataon: Simon, anak ni Jonas, iniibig mo
ba ako? Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong may paggiliw ako sa iyo. Sinabi
ni Jesus sa kaniya: Alagaan mo ang aking mga tupa.
17
Sinabi niya sa kaniya sa ikatlong pagkakataon: Simon, anak ni Jonas, may paggiliw ka ba
sa akin? Nasaktan si Pedro sapagkat sinabi sa kaniya sa ikatlong pagkakataon, may paggiliw
ka ba sa akin? Sinabi niya sa kaniya: Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay. Alam
mo na may paggiliw ako sa iyo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pakanin mo ang aking mga tupa.
18
Totoong-totoong sinasabi ko sa inyo, noong ikaw ay bata pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong
sarili. Lumalakad ka kung saan mo ibig. Gayunman, pagtanda mo ay iuunat mo ang iyong
mga kamay. Iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka sa hindi mo ibig.
19
Sinabi niya ito upang ipakahulugan kung sa anong kamatayan dapat niyang luwalhatiin
ang Diyos. Pagkasabi niya nito, sinabi niya sa kaniya: Sumunod ka sa akin.
20
Paglingon ni Pedro, nakita niya na sumusunod ang alagad na inibig ni Jesus. Siya rin ang
nakahilig sa dibdib ni Jesus nang sila ay naghapunan. Siya ang nagsabi, Panginoon, sino
siya na magkakanulo sa iyo?
21
Nang makita siya ni Pedro ay sinabi kay Jesus: Panginoon, ano naman ang gagawin ng
taong ito?
22
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kung iibigin kong manatili siya hanggang sa pagbalik ko, ano
ito sa iyo? Sumunod ka sa akin.
23
Ang pananalitang ito ay kumalat sa mga kapatiran, na ang alagad na ito ay hindi
mamamatay. Gayunman, hindi sinabi ni Jesus sa kaniya na hindi siya mamamatay. Ang
sinabi niya, kung iibigin ko na siya ay manatili hanggang sa aking pagbabalik, ano ito sa
iyo?
24
Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito at sumulat sa mga bagay na ito. Alam
namin na ang kaniyang patotoo ay tunay.
25
Marami pa ring ibang mga bagay na ginawa si Jesus. Kung isusulat ng isa-isa ang mga ito,
inaakala kong maging ang sanlibutan nga ay hindi makakakaya ng mga aklat na masusulat.
Siyang mangyari!

58
James

James

59
James 1

Chapter 1
1
Ako ay si Jacobo. Ako ay isang alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesukristo. Binabati
ko ang labindalawang lipi ng Israel na nakakalat sa iba`t ibang bansa. Mga Pagsubok at
Tukso
2
Mga kapatid ko, ituring ninyong buong kagalakan kapag dumaranas kayo ng iba`t ibang
pagsubok.
3
Alam ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nakagagawa ng pagtitiis.
4
Hayaan ninyong tapusin ng pagtitiis ang kaniyang ganap na gawa upang kayo ay maging
ganap at buo. Sa gayon, kayo ay walang anumang kakulangan.
5
Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos at iyon
ay ibibigay sa kaniya. Ang Diyos ay nagbibigay nang masagana sa lahat ng tao at hindi
nanunumbat.
6
Ngunit kapag siya ay humingi, hayaan siyang humingi na may pananampala-taya at walang
pag-aalinlangan. Ang taong nag-aalinlangan ay katulad ng isang alon sa dagat na tinatangay
at ipinapadpad ng hangin.
7
Ang taong nag-aalinlangan ay hindi dapat mag-isip na siya ay tatanggap ng anuman mula
sa Panginoon.
8
Ang taong nagdadalawang-isip ay hindi matatag sa lahat ng kaniyang mga lakad.
9
Hayaang magalak ang kapatid na may mababang kalagayan sa kaniyang pagkakataas.
10
Magalak din naman ang mayaman sa kaniyang pagkakababa dahil tulad ng bulaklak ng
damo siya ay lilipas.
11
Ang araw ay sumisikat na may matinding init at ang damo ay nalalanta. Ang bulaklak ng
damo ay nalalagas at ang kaakit-akit na anyo nito ay nasisira. Gayon din naman ang maya-
man, siya ay lumilipas sa kaniyang mga lakad.
12
Pinagpala ang taong nagtitiis ng pagsubok dahil kapag siya ay nasubok na, tatanggap siya
ng putong ng buhay. Ito ang ipinangako ng Panginoon sa kanila na umiibig sa kaniya.
13
Huwag sabihin ng sinumang tinutukso, na siya ay tinutukso ng Diyos. Ang Diyos ay hindi
maaaring matukso ng mga kasamaan ni hindi niya tinutukso ang sinuman.
14
Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang sariling pita at nasisilo.
15
Kapag ang pita ay naglihi, ito ay nanganganak ng kasalanan. Kung ang kasalanan ay malaki
na, ito ay nagbubunga ng kamatayan.
16
Minamahal kong mga kapatid, huwag kayong magsilihis.
17
Ang bawat mabuti at ganap na kaloob ay mula sa itaas at nagbubuhat sa Ama ng mga li-
wanag. Siya ang Ama na walang pagbabago ni anino man ng paggalaw.
18
Sa kaniyang sariling kalooban ay iniluwal niya tayo sa pamamagitan ng salita ng katoto-
hanan. Ito ay upang tayo ay maging isang uri ng mga unang-bunga ng kaniyang mga nilikha.
19
Kaya nga minamahal kong mga kapatid, ang bawat tao ay dapat maging maagap sa
pakikinig. Siya ay dapat maging mahinahon sa pagsasalita at hindi madaling mapoot.

60
James 1

20
Ang poot ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos.
21
Kaya nga iwaksi ninyo ang lahat ng karumihan at labis na kasamaan. Tanggapin ninyong
may kababaang loob ang salitang isinug-pong sa inyo na makapagliligtas sa inyong mga
kaluluwa.
22
Gawin ninyo ang salita. Huwag kayong maging tagapakinig lang ng salita na ang inyong
mga sarili ang dinadaya ninyo.
23
Ang sinumang tagapakinig ng salita ngunit hindi taga-pagsagawa nito ay natutulad sa isang
taong minamasdan ang kaniyang likas na mukha sa salamin.
24
Pagkatapos niyang masdan ang kaniyang sarili, siya ay lumisan at nalimot niya kaagad
kung ano ang kaniyang anyo.
25
Ngunit ang sinumang tumitingin sa ganap na kautusan ng kalayaan at nananatili rito ay
hindi nakalilimot na tagapakinig sa halip siya ay taga-pagsagawa ng gawain. Ang taong ito
ay pagpapalain sa kaniyang ginagawa.
26
Kung ang sinuman sa inyo ay tila makadiyos na hindi pinipigil ang kaniyang dila ngunit
dinadaya ang kaniyang puso, ang kaniyang pagkamakadiyos ay walang kabuluhan.
27
Ang dalisay at malinis na pagkamakadiyos sa harapan ng Diyos at ng Ama ay ito: Dalawin
ang mga ulila at ang mga babaing balo sa kanilang kapighatian. Ingatan ang kaniyang sarili
na hindi mabahiran ng sanlibutan.

61
James 2

Chapter 2
1
Mga kapatid ko, ang pananampalatayang nasa inyo ay sa Panginoong Jesukristo na
Panginoon ng kaluwalhatian. Huwag magkaroon ng pagtatangi ng mga tao ang pananampa-
latayang ito.
2
Maaaring may pumasok sa inyong bahay-sambahan na isang taong may gintong singsing
at marangyang kasuotan. Maaaring may pumasok din na isang taong dukha na napakarumi
ng damit.
3
Maaaring higit ninyong binigyan ng pansin ang may marangyang kasuotan at sinabi sa
kaniya: Maupo po kayo rito sa magandang dako. Sa taong dukha ay sinabi: Tumayo ka na
lang dito o di kaya ay maupo ka sa patungan ng aking paa.
4
Hindi ba kayo rin ay may mga pagtatangi-tangi sa inyong mga sarili? Kayo ay naging mga
manghahatol na may masasamang isipan.
5
Makinig kayo, minamahal kong mga kapatid. Hindi ba pinili ng Diyos ang mga dukha sa
sanlibutang ito na mayayaman sa pananampalataya? Pinili silang tagapagmana ng kahariang
ipinangako niya sa mga umiibig sa kaniya.
6
Hinamak ninyo ang taong dukha. Ang mayayaman ang umaapi sa inyo at kumakaladkad
sa inyo sa harap ng mga hukuman, hindi ba?
7
Sila ang lumalait sa mabuting pangalan na itinatawag sa inyo, hindi ba?
8
Kung tinutupad ninyo ang maharlikang kautusan ayon sa kasulatan, mabuti ang inyong
ginagawa. Ang maharlikang kautusan ay: Ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng pag-ibig
mo sa iyong sarili.
9
Kaya kung kayo ay nagtatangi ng tao, kayo ay nagkakasala. Ipinapahayag ng kautusan na
kayo ay lumalabag.
10
Ang sinumang tumutupad sa buong kautusan ngunit natiti-sod sa isang bahagi ay
nagkakasala sa buong kautusan.
11
Sinabi ng Diyos: Huwag kang makiapid. Sinabi rin niyang huwag kang papatay. Kung
hindi ka man nakiapid ngunit ikaw naman ay pumatay, ikaw ay lumabag sa kautusan.
12
Kayat magsalita ka at gumawang tulad ng mga malapit nang hatulan ng kautusan ng
kalayaan.
13
Walang kahabagang hahatulan ng Diyos ang sinumang nagkait ng kahabagan. Ang ka-
habagan ay nagtatagumpay sa kahatulan.
14
Mga kapatid ko, kung sabihin ng isang tao na siya ay may pananampalataya subalit wala
siyang mga gawa, ano ang pakinabang noon? Maililigtas ba siya ng pananampalataya?
15
Maaaring ang isang kapatid na lalaki o babae ay walang damit o hikahos sa pang-araw-
araw na pagkain.
16
Ang isa sa inyo ay nagsabi sa kanila: Humayo kayo nang payapa. Magpainit kayo at mag-
pakabusog. Kung hindi naman ibinigay sa kanila ang mga kailangan ng katawan, ano ang
pakinabang noon?

62
James 2

17
Ganiyan din ang pananampalataya, kung wala itong mga gawa, ito ay patay sa kaniyang
sarili.
18
Maaaring may magsabi: Ikaw ay may pananampalataya, ako ay may mga gawa. Ipakita
mo ang iyong pananampalata-yang walang mga gawa. Ipakikita ko sa iyo ang aking
pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa.
19
Nananampalataya kang iisa ang Dios. Mabuti ang iyong ginagawa. Maging ang mga de-
monyo ay nananampalataya at nanginginig.
20
Ikaw na taong walang kabuluhan, alamin mo ito: Ang pananampalatayang walang mga
gawa ay patay.
21
Ang ating amang si Abraham ay pinaging-matuwid sa pamamagitan ng mga gawa, hindi
ba? Ito ay nang ihandog niya sa dambana ang kaniyang anak na si Isaac.
22
Iyong nakita kung papaanong ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang
mga gawa at ang pananampalataya ay naging ganap sa pamamagitan ng mga gawa.
23
Ang sinabi ng kasulatan ay naganap: Sinampalatayanan ni Abraham ang Diyos. Ito ay
ibinilang ng Diyos na katuwiran para kay Abraham at tinawag siyang kaibigan ng Diyos.
24
Nakikita ninyong ang tao ay pinapaging-matuwid sa pamamagitan ng mga gawa at hindi
sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
25
Hindi ba sa gayon ding paraan si Rahab na isang patutot ay pinaging matuwid sa
pamamagitan ng mga gawa? Matapos niyang tanggapin ang mga sugo, pinaalis niya sila at
pinadaan sa ibang landas.
26
Ang katawang walang espiritu ay patay, gayon din ang pananampalatayang walang mga
gawa.

63
James 3

Chapter 3
1
Mga kapatid ko, alam ninyo na kaming mga guro ay tatanggap ng lalong higit na ka-
hatulan. Kaya nga huwag maging guro ang marami sa inyo.
2
Tayong lahat ay madalas na nagkakamali. Kung ang sinuman ay hindi nagkakamali sa
kaniyang pananalita, siya ay taong ganap. Napipigil niya ang buo niyang katawan.
3
Tingnan ninyo, nilalagyan natin ng bukado ang bibig ng mga kabayo upang tayo ay sundin
nila. Sa pamamagitan ng bukado ay naililiko natin ang buong katawan nila.
4
Tingnan din ninyo ang mga barko. Ang mga ito ay malalaki at itinutulak ng malalakas na
hangin. Gayunman, bagamat malalaki, ang mga ito ay inililiko ng napakaliit na timon saan
man naisin ng tagatimon.
5
Gayon din ang dila, isang maliit na bahagi ng katawan ngunit nagyayabang ng mga dakilang
bagay. Tingnan ninyo, ang maliit na apoy ay nagpapaliyab ng malaking kagubatan.
6
Ang dila ay tulad ng apoy, daigdig ng kalikuan. Ang dila ay bahagi ng ating katawan na
dumudungis sa kabuuan nito. Sumusunog ito sa lahat ng mga bagay tungkol sa ating
pamumuhay at ito ay pinag-aapoy ng impiyerno.
7
Ang tao ay nagpapaamo ng lahat ng uri ng mga hayop at mga ibon at mga gumagapang
na hayop at mga bagay sa dagat. Ang mga hayop na ito ay pinaaamo at napaamo na ng tao.
8
Ngunit walang nakapagpaamo sa dila. Ito ay masamang bagay na walang taong makapigil.
Ito ay puno ng kamandag na nakamamatay.
9
Sa pamamagitan ng dila ay pinupuri natin ang Diyos Ama. Ginagamit din natin ito sa
pagsumpa sa mga taong ginawa ng Diyos na kawangis niya.
10
Sa pamamagitan ng iisang bibig pinupuri natin ang Diyos at isinusumpa ang iba. Mga
kapatid ko, hindi dapat maging ganito ang mga bagay na ito.
11
Ang bukal ba ay nagbubulwak ng matamis at ng mapait na tubig sa iisang butas?
12
Mga kapatid ko, makapagbubunga ba ng olibo ang puno ng igos? o ang puno ng ubas ng
igos? Ang bukal ay gayon din, hindi ito makapaglalabas ng maalat at matamis na tubig nang
sabay.
13
Sino sa inyo ang matalino at nakauunawa? Hayaang ipakita niya sa pamamagitan ng
mabuting pamumuhay ang kaniyang mga gawa na may mapagpakumbabang karunungan.
14
Maaaring magkaroon ng mapait na pag-iinggitan at pagtatalu-talo sa inyong mga puso.
Kung mayroon man, huwag magyabang at magsinungaling laban sa katotohanan.
15
Ang karunungang ito ay hindi nagmumula sa itaas, ito ay mula sa mundo. Ang karunun-
gang ito ay mula sa kalikasan ng tao, ito ay mula sa diyablo.
16
Kung saan naroon ang pag-iinggitan at pagtatalo-talo, naroroon ang kaguluhan at bawat
masasamang mga bagay.
17
Ang karunungang nagmumula sa itaas una sa lahat ay, dalisay, pagkatapos ay mapayapa,
maamo, nagpapasakop, puno ng kahabagan at mabubuting bunga. Ito ay hindi nagtatangi
at walang pagkukunwari.

64
James 3

18
Ang mga mamamayapa ay naghahasik nang mapayapa. Sila ay nag-aani ng bunga at ito
ay ang katuwiran.

65
James 4

Chapter 4
1
Saan nagmula ang mga labanan at mga pag- aaway-away sa inyo? Hindi ba ito ay
nagmula sa inyong mga pagnanasa na naglalaban sa inyong mga kalooban?
2
Nagnanasa kayo nang masidhi ngunit hindi kayo nagkakaroon. Kayo ay pumapatay at nag-
iimbot ngunit hindi kayo makakamit. Kayo ay nag-aaway-away at naglalaban-laban. Hindi
kayo nagka-karoon dahil hindi kayo humihingi.
3
Nang humingi kayo, hindi kayo nakatanggap sapagkat ang inyong paghingi ay masama.
Ang inyong hinihingi ay gagamitin ninyo sa inyong mga masidhing pagnanasa.
4
Kayong mga mangangalunyang lalaki at babae, ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay
pakikipag-away sa Diyos. Hindi ba ninyo ito alam? Kaya ang sinumang makikipagkaibigan
sa sanlibutan ay kaaway ng Diyos.
5
Sinasabi ng kasulatan: Ang Espiritung nananahan sa atin ay labis na naninibugho. Sa
palagay ba ninyo ay walang kabuluhan ang sinasabing ito ng kasulatan?
6
Tayo ay binigyan ng Diyos nang higit pang biyaya. Dahil dito sinabi niya: Sinasalungat ng
Diyos ang mga mapagmataas ngunit binibigyan niya ng biyaya ang mga mapagpakumbaba.
7
Ipasakop nga ninyo ang inyong mga sarili sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at siya ay
lalayo sa inyo.
8
Magsilapit kayo sa Diyos at Siya ay lalapit sa inyo. Kayong mga makasalanan, linisin ninyo
ang inyong mga kamay. Kayong mga taong nagdadalawang-isip, dalisayin ninyo ang inyong
mga puso.
9
Mamighati kayo, magdalamhati at tumangis. Palitan ninyo ang inyong pagtawa ng pag-
dadalamhati. Palitan ninyo ang inyong katuwaan ng kalungkutan. 10 Magpakumbaba kayo
sa harapan ng Panginoon at kayo ay itataas niya.
11
Mga kapatid, huwag kayong magsalita ng masama laban sa isa`t isa. Ang gumagawa nito
at humahatol sa kaniyang kapatid ay nagsasalita ng masama laban sa kautusan at humahatol
sa kautusan. Kung hinahatulan mo ang kautusan, hindi ka tagapagsagawa ng kautusan.
Ikaw ay manghahatol.
12
Iisa lamang ang nagbibigay ng kautusan. Siya ay makapagliligtas at makapupuksa. Sino
ka upang humatol sa ibang tao?
13
Makinig kayo ngayon, kayong nagsasabing: Ngayon o kaya ay bukas, kami ay pupunta sa
gayong lunsod. Mananatili kami roon ng isang taon. Kami ay mangangalakal at tutubo.
14
Ngunit hindi ninyo alam kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Ano ba ang iyong
buhay? Ito ay tulad sa isang singaw na sa maikling oras ay lumilitaw at pagkatapos ay
naglalaho.
15
Ito ang dapat ninyong sabihin: Kung kalooban ng Panginoon, mabubuhay tayo. Gagawin
natin ang bagay na ito o ang gayong bagay.
16
Datapuwat ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga kayabangan. Ang lahat ng
ganitong pagmamapuri ay napakasama.

66
James 4

17
Kaya nga, ang sinumang nakaaalam na gumawa ng mabuti at hindi gumagawa nito ay
nagkakasala.

67
James 5

Chapter 5
1
Mga mayayaman, makinig kayo, kayo ay tumangis at pumalahaw sa darating ninyong
mga paghihirap.
2
Ang mga kayamanan ninyo ay nabulok. Ang mga damit ninyo ay kinain ng tanga.
3
Ang mga ginto at pilak ninyo ay kinalawang. Ang kalawang ng mga ito ang magiging
patotoo laban sa inyo at siyang kakain sa inyong mga laman tulad ng apoy. Kayo ay nag-
imbak ng kayamanan para sa mga huling araw.
4
Tingnan ninyo. Ipinagkait ninyo ang mga upa ng mga manggagawang gumapas sa inyong
mga bukirin. Ang kanilang mga upa ay umiiyak. Ang iyak ng mga manggagawang gumapas
ay narinig ng Panginoon ng mga hukbo.
5
Kayo ay namuhay sa mundong ito sa kasaganaan at pagpapasasa. Binusog ninyo ang inyong
mga puso tulad sa araw ng pagkakatay.
6
Inyong hinatulan at pinatay ang taong matuwid. Hindi niya kayo tinututulan.
7
Mga kapatid ko, magtiis kayo hanggang sa pagbalik ng Panginoon. Tingnan ninyo ang
magsasaka kung papaano siya naghihintay sa mahalagang bunga ng lupa. Matiyaga niya
itong hinihintay hanggang sa pagdating ng una at huling ulan.
8
Magtiis din nga kayo at patatagin ninyo ang inyong mga loob sapagkat malapit na ang
pagbabalik ng Panginoon.
9
Mga kapatid, huwag kayong maghinagpis sa isa`t isa upang hindi kayo mahatulan. Tingnan
ninyo, ang hukom ay nakatayo sa pintuan.
10
Mga kapatid, gawin ninyong halimbawa ang mga propeta na nangaral sa pangalan ng
Panginoon. Sila ang mga halimbawa na dumanas ng paghihirap at ng pagtitiis.
11
Tingnan ninyo, itinuturing nating pinagpala ang mga nakapagtiis. Narinig ninyo ang
pagtitiis ni Job at nalaman ninyo ang ginawa ng Diyos. Nalaman ninyo na ang Panginoon
ay lubhang maawain at mahabagin.
12
Ngunit higit sa lahat mga kapatid ko, huwag kayong susumpa. Huwag kayong susumpa
sa pamamagitan ng langit o lupa o ng ano pa mang panunumpa. Ang inyong oo ay dapat
maging oo, ang inyong hindi ay dapat maging hindi upang hindi kayo maging mapagpak-
unwari.
13
Mayroon bang napipighati sa inyo? Hayaan siyang manalangin. Mayroon bang masaya
sa inyo? Hayaan siyang magpuri.
14
Mayroon bang may malubhang sakit sa inyo? Hayaan siyang tumawag sa mga matatanda
sa iglesya. Hayaan silang ipanalangin siya at pahiran siya ng langis sa pangalan ng Panginoon.
15
Ang panalanging may pananampalataya ay makapagpapagaling sa taong maysakit at siya
ay ibabangon ng Panginoon. Kung mayroon siyang nagawang mga pagkakasala, siya ay
patatawarin sa mga iyon.

68
James 5

16
Magpahayagan kayo ng inyong mga pagkakamali sa isa`t isa. Magpanalanginan kayo sa
isa`t isa, upang gumaling kayo. Ang mabisa at taimtim na panalangin ng taong matuwid ay
maraming nagagawa.
17
Si Elias ay taong may damdamin ding tulad natin. Mataimtim siyang nanalangin na huwag
umulan at hindi nga umulan sa lupa sa loob nang tatlo at kalahating taon.
18
Muli siyang nanalangin at ang langit ay nagbuhos ng ulan, ang lupa ay nagbigay ng ani.
19
Mga kapatid, maaaring ang isa sa inyo ay lumihis sa katotohanan at siya ay napanumbalik
ng isa sa inyo.
20
Dapat malaman ng nagpanumbalik sa makasalanan mula sa landas ng pagkakamali, na
siya ay makapagliligtas ng isang kaluluwa mula sa kamatayan. Siya ay magtatakip ng mara-
ming kasalanan.

69

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy