Pumunta sa nilalaman

Tabloid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga tabloid na Briton noong Hulyo 5, 2011

Ang tabloid ay isang uri ng dyaryo na mayroong masmaliit na sukat ng pahina kaysa sa broadsheet, bagaman walang pamantayan na sukat para sa tabloid. Ang terminong tabloid journalism (o periyodismong tabloid), kasama ang paggamit ng malalaking imahe, ay nagbibigay-diin sa mga paksa tulad ng mga kahindik-hindik na kwento ng mga krimen, astrolohiya, tsismis, at telebisyon. Gayunman, ang ibang respetadong dyaryo, tulad ng The Independent at ng The Times ay may parehong sukat sa tabloid, at ang sukat na ito ay ginagamit sa United Kingdom ng halos lahat ng lokal na dyaryo. Doon, ang sukat ng pahina ay humigit-kumulang na 430mm x 280 mm (16.9 pulgada x 11.0 pulgada). Sa Estados Unidos, ito ang karaniwang porma na ginagamit ng mga dyaryong alternatibo. Ang ilang dyaryong maliliit na umaangkin ng mas mataas na pamantayan ng pamamahayag ay tumutukoy sa kanilang sarili bilang mga diyaryong compact.

Ang mga mas malalaking dyaryo na iniuugnay sa mas malaking kalidad ng pamamahayag ay madalas ng tinatawag na mga broadsheet, at ang titulo na ito ay karaniwan paring ginagamit, kahit man lumipat na ang mga dyaryo sa paglalathala sa mas maliliit na pahina tulad ng ginagawa na ng maraming dyaryo sa mga nakalipas na taon. Sa gayon, ang terminong tabloid at broadsheet sa panahong ito ay, sa di-teknikal na paggamit, mas naglalarawan ng posisyon ng isang dyaryo, kaysa sa sukat nito.

Ang Berliner format na ginangamit ng mga pinakapopular na dyaryong Europeo ay may sukat na namamagitan sa laki ng tabloid at broadsheet. Sa konteksto ng dyaryo, ang terminong Berliner ay karaniwang ginagamit sa paglarawan ng sukat lang, at hindi sa paglarawan ng ibang katangian ng pahayagan.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy