Mary-Kate at Ashley Olsen
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Nobyembre 2010)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Mary-Kate Olsen Ashley Fuller Olsen | |
---|---|
Kapanganakan | |
Website | http://www.mary-kateandashley.com |
Sina Mary-Kate at Ashley Olsen (buong pangalan: Mary Kate Olsen at Ashley Fuller Olsen) ay mga artista at mangangalakal na Amerikano. Ipinanganak sila noong ika-13 ng Hunyo 1986 sa Sherman Oaks, California sa Estados Unidos. Sila ay kilala rin bilang Olsen Twins.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sina Mary-Kate at Ashley ay kambal anak nina David at Jarnette Olsen. Apat ang kapatid nila…sina Trent, Elizabeth (Lizzie), Taylor at Jake. Nagsimulang mag-artista sina Mary-Kate at Ashley noong 1987 nang gumanap sila bilang Michelle Tanner sa programang pantelebisyon na Full House sa edad na siyam na buwan. Sa programang ito naging tanyag ang dalawa.
Habang patuloy na pinapalabas ang Full House, nakipagtamabalan sina Mary-Kate at Ashley kay Robert Thorne upang itaguyod ang kompanynag Dualstar Entertainment Group. Sa tulong ng Dualstar ay naglabas sina Mary-Kate and Asley ng mga album at video na pambata tulad ng Brother For Sale at Our First Video. Dahil sa kanilang katanyagan, sina Mary-Kate at Ashley ay naging milyonaryo sa gulang na sampung taon.
Di kalaunan ay lumabas din sina Mary-Kate and Ashley sa mga pelikula tulad ng It Takes Two at mga pantelebisyong programa tulad ng Two of a Kind at So Little Time.
Nang naging teenager sina Mary-Kate at Ashley, sila ay nakilala sa larangan ng pananamit. Naging tanyag sila sa estilong boho-chic na ginaya ng iba’t ibang artista at musikero sa Hollywood.
Ngayong may sapat na edad na sina Mary-Kate and Ashley, sila na mismo ang namamahala ng kompanyang Dualstar. Dahil dito, maraming proyekto ang itinaguyod ng dalawa tulad ng paggawa ng damit, pabango, kagamitang pampaganda, kalendaryo, libro, video at pati na rin mga posturyosong alpombra. Sila rin ang gumagabay sa isa pang tanyag na kambal na artista na sina Dylan at Cole Sprouse.
Mga Piling Ginanapang Palabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Saturday Night Live (2004)
- The Challenge (2003)
- Mary-Kate and Ashley in Action! (2002)
- So Little Time (2001)
- 7th Heaven (2000)
- Switching Goals (1999)
- Two of a Kind (1998)
- How the West Was Fun (1995)
- Double, Double Toil and Trouble (1993)
- To Grandmother’s House We Go (1992)
- Hangin’ with Mr. Cooper (1992)
- ABC TGIF (1990)
- Full House (1987)
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Factory Girl (2006) (si Mary-Kate lamang ang kabilang)
- New York Minute (2004)
- Charlie’s Angels: Full Throttle (2003) (cameo)
- It Takes Two (1995)
- The Little Rascals (1994) (cameo)
Video
[baguhin | baguhin ang wikitext]- When In Rome (2002)
- Getting There (2002)
- Holiday in the Sun (2001)
- Winning London (2001)
- The Amazing Adventures of Mary-Kate and Ashley (2000)
- Our Lips Our Sealed (2000)
- Passport To Paris (1999)
- Billboard Dad (1998)
- You’re Invited to Mary-Kate & Ashley’s…Party (serye) (1995)
- The Adventures of Mary-Kate & Ashley (serye) (1994)
Trivia
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sina Mary-Kate at Ashley ay kambal pero hindi sila identical twins kundi fraternal twins. Hindi sila lubos na magkamukha at magka-iba sila sa paggamit ng kamay. (Si Mary-Kate ay gamit ang kaliwa at si Ashley ay gamit ang kanan.)
- Nag-umpisa sila sa Full House bilang "Mary Kate Ashley Olsen" dahil ayaw ipaalam ng mga producers nito na si Michelle Tanner ay ginagampanan ng kambal.
- Matalik nilang kaibigan si John Stamos na kasama nila sa Full House.
- Noong sina Mary-Kate at Ashley ay nagdiwang ng kanilang ika-labing pitong taong kaarawan, ibinalita ng CNN na ang dalawa ay nagkakahalaga ng isang daan at limangpung milyong dolyar bawat isa.
- Sila ay ginawaran ng "star" sa Hollywood Walk of Fame noong April 29, 2004. Sila ang pinakabatang ginawaran ng "star".
- Palagi silang napapabilang sa Forbes Celebrity 100 mula noong 2002.
- Napabilang sila sa FHM’s 100 Sexiest Women noong 2003 (#61) at 2005 (# 32).
Mga Pahinang Paguugnay
[baguhin | baguhin ang wikitext]- mary-kateandashley.com Naka-arkibo 2008-09-24 sa Wayback Machine.
- Dualstar Entertainment Group Naka-arkibo 2006-08-10 sa Wayback Machine.
- Mary-Kate Olsen sa IMDb
- Ashley Olsen sa IMDb